Resulta ng 'Who ruled the decade' ang daming negative reactions
Tuwing nagkakausap kami ni Erik Santos ay palagi niya akong ginugulat. Tulad nung sinabi niyang gusto niyang ligawan ang isang kaibigan na settled na sa Alaska kahit problema ang pagiging malayo nito, dahil siya yung tipo na kung manliligaw ay gustong dumadalaw siya ng bahay ng girl, nagdadala ng gifts hindi lang sa girl kundi maging sa mga parents nito. Nag-isip siya ng way para maipaabot niya ang balak niya para rito. Hindi ko na nalaman kung ano ang kinahinatnan ng balak niya o kung ito ang babaeng sinasabing ka-MU niya ngayon.
Lately, ginulat na naman niya ako when I learned na nakatapos pala siya ng kolehiyo. Sa kabila ng kanyang kabisihan, nagawa niyang makapag-aral sa isang regular school at magtapos ng college.
Yes, just recently tinanggap niya ang kanyang diploma, katibayan ng pagtatapos niya ng kursong BS Psychology sa Centro Escolar University. Dito rin siya unang nag-college, sa kursong dentistry pero hindi niya natapos dahil inagaw na siya ng mundo ng musika.
* * *
Hindi lamang sa concert niya pinaunlakan ni Mommy Dionisia Pacquiao o Mommy D si Imelda Papin. Maging ang pagtakbo nito bilang senador ay suportado rin niya at maging ng kanyang anak na si Manny. Tumulong ang Pambansang Kamao sa fund-raising concert na ginawa ni Imelda sa US para makalikom ng pondo na pambili ng dialysis machine na gagamitin dito para sa mga mahihirap na pasyente. Ayon kay Mommy D, ang jukebox queen ang kumakatawan sa masa.
* * *
Magsasagawa pala ng isang search sa Walang Tulugan para sa magiging leading lady ni Jake Vargas sa gagawin nitong movie na kasama pa rin ang First Timers na sina Joshua Dionisio at Barbie Forteza.
Yes, magkakaroon din ng movie ang tatlo, bukod pa sa seryeng Ang Pilyang Kerubin na mapapanood sa primetime slot ng GMA 7.
* * *
Bakit kaya ang dami-dami at maraming negative reactions sa inilabas ng isang magazine na top 20 artistas who ruled the decade? Sila yun eh, at mapapangatawanan naman ng magasin ang 20 pangalan na napili ayon sa criteria na ginamit nila. Reliable naman at credible ang patnugot ng nasabing publikasyon, hindi ito basta maglalabas ng listahan na hindi niya kayang ipagtanggol.
- Latest