^

PSN Showbiz

Dingdong naghahanap ng ebidensiya sa 'Anak' ni Marian

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Nakausap namin si Dingdong Dantes sa last shooting day ng You To Me Are Everything na gina­wa sa GMA 7 studio at tinanong namin kung seryoso siya sa one-liner na “humanda sila” patungkol sa mga nani­nira diumano sa GF at leading lady niya sa na­bang­­git na pelikula na co-produced ng Regal Films at GMA Films at showing sa May 5.

“Hindi pagbabanta ang ginawa ko. If they want to prove something, then prove it. Kung ma-authenticate nila ang mga facts and evidences nila, no problem. Pero bago sila magbigay ng mga comments na pu­wedeng maka-degrade at makasama sa tao, dapat totoo. Kilala ko si Marian, I’ve met her family at kalo­kohan ang sinasabi nilang may anak na siya. Hin­di masama ang magkaroon ng anak, isang malaking biyaya ’yun at ’di dapat itago,” sabi ni Dingdong.

Sayang at hindi narinig ni Marian ang sinabi ni Dingdong na he will still love and accept her kahit totoong may anak na siya at ’di makakaapekto sa relasyon nila.

“Not at all, because I accepted her kung sino siya at ang pagkatao niya and I think she’ll be honest with me,” dagdag na pahayag ni Dingdong.

Samantala, tuloy na sa May 5 ang playdate ng You To Me Are Everything dahil last shooting day na ng dalawa last Sunday. Tiniyak ni Dingdong na matu­tuwa ang mga manonood ng pelikula sa direction ni Mark Reyes. Pareho sila nang sinasabi ni Marian na lalabas ng sinehan ang mga tao na nakangiti dahil masaya ang kanilang pelikula.

* * *

May nangyari talaga sa relasyon nina Maxene Magalona at JC Tiuseco dahil bukod sa tinanggihan ni Maxene na makatambal si JC sa TV remake ng Bakit Kay Tagal ng Sandali, hindi rin binati ng aktres ang ex sa katatapos nitong birthday.

Mabuti pa si Pauleen Luna at binati ng happy birthday sa Twitter account niya si JC at sa curious ng koneksyon ni Pauleen, sabi isa raw siya sa mga pinag­selosan ni Maxene at naging dahilan nang paglamig ng relasyon nina Maxene at JC.

Anyway, hindi man natuloy si JC sa Bakit Kay Tagal ng Sandali, may bago siyang soap, isa siya sa three leading men ni Heart Evangelista sa Langit sa Piling Mo kasama sina Mark Her­ras at Daniel Matsuna­ga. Join din sa cast si Katrina Halili at abangan kung kanino siya mali-link kina JC at Daniel. Out na si Mark dahi may Ynna Asistio na ito.     

* * *

May listahan na si LJ Reyes nang magni-ninang sa isisilang niyang baby boy nila ni Paulo Avelino sa July 30. Kasama sa list ang mga best friends niyang sina Chynna Ortaleza at Ryza Cenon na nag­tampo sa kanya dahil hin­di agad sinabi sa kanila ang kanyang pagbubuntis.

Ang ilan pa sa listahan ay sina Chariz Alonso, Chariz Solomon, two non-showbiz friends, Mona Mayuga, at iba pa. Si Paulo na raw ang bahalang kumuha ng ninong sa baby nila na dito sa ’Pinas ang binyag kahit sa States niya isisilang.

Nag-usap na pala sina LJ, Chynna, at Ryza last Sunday sa Katre restaurant at nagkapaliwanagan ang magkakaibigan at pagkatapos mag-usap, excited na sina Chynna at Ryza na maging ninang sa anak nina LJ at Paulo.

* * *

Ngayong Tuesday sa Gumapang Ka sa Lusak, alam na ni Jonathan (Mart Escudero) ang relasyon nina Rachel (Jennylyn Mercado) at amang si Edmundo (Al Tantay) at ’di nito matanggap ang kasamaan ng kanyang pamilya.

Magku-krus ang landas nina Rachel, Joana (Jamilla Obispo), at Levi (Dennis Trillo), nasaktan si Rachel at magiging daan ’yun para maging close sila ni RJ (Rocco Nacino). Hindi na kaya ni Rowena (Sandy Andolong) ang mga problemang bigay ni Rachel at susugurin niya ito.

AL TANTAY

BAKIT KAY TAGAL

CHARIZ ALONSO

CHARIZ SOLOMON

MAXENE

RACHEL

SHY

YOU TO ME ARE EVERYTHING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with