^

PSN Showbiz

Nahalang basketball player ibinuko, Mahusay na talent manager lulong sa droga

PERUSE ME - Ronnie Carrasco -

Pagkagumon sa ipinagbabawal na gamot ang dahilan kung bakit out of circulation these days ang mahusay pa namang talent manager.

Kuwento ito ng isang guwapong varsity player, na minsang nakaniig ng ating gay character. Sa chance meeting pa lang nila’y agad natipuhan ng manager ang manlalaro mula sa isang respeta­dong unibersidad sa Maynila. Wala pa munang sexual encounter na namagitan sa kanila until the rookie was asked to visit his gay admirer sa mismong condo unit nito somewhere in Quezon City.

Nagpaunlak naman ang guy. All the way from his basketball practice ay dumiretso siya sa tinutuluyan ng manager. Pero sa halip na sumalubong sa kanya’y romantic ambience to set the mood ay pinag-shabu raw muna siya ng man­ager, lots of it.

Kakaiba rin daw ang trip ng bading as he didn’t go for oral sex. Sa halip ay nakuntento lang daw ito sa pag-fondle-fondle ng ari ng lalake, the height of his sex trip ay ang pareho silang magparaos on their own through hand job.

Clue : Kapangalan ng manager ang isang ‘‘showbiz lawyer.’’

* * *

Dedenay-denay pa sila noon, pero magdyowa na pala sina Paulo Avelino at LJ Reyes. Paulo is LJ’s third boyfriend after Alfred Vargas and a scion of a wealthy businessman.

Kung titingnan kasi ang personality ni LJ, wala sa itsura niya ang hahantong sa maagang pag­bu­buntis. Wala silang pagkakaiba ni Jennylyn Mer­cado who also got pregnant by Patrick Garcia.

Usap-usapan tuloy ng ilang reporter, mabuti pa raw si Jackie Rice, mukhang maharot (I repeat, mukha lang ha?) at nagluluka-lukahan sa kan­yang career, pero maingat.

Sa segment ngang Sapul Sa Poll ng Startalk, mas marami ang nag-text na naniniwalang ma­ka­kaapekto sa career nina Pau­o at LJ ang ka­nilang sitwas­yon ngayon. Mas nakapanghi­hina­yang si Paulo as he’s being groomed for something bigger, this cannot be said of LJ whose career is like a floating log from a wreckage.

Tanong ko lang, wala bang morality clause sa mga kontrata ng mga bagets na ito sa GMA Artist Center? Hindi kaya dapat magsilbing precedent ito (dapat nga noon pang nagbuntis si Jennylyn, ’no!) para sa next batch of GMA stars?

Let’s face it, we’re still in a conservation society. Iba pa rin ang tingin sa pregnancy without mar­riage, lalo pa’t ang mga tulad nina Paulo at LJ are supposed to be role models worthy of emulation.

* * *

Sa nakakalokang comedic role naman mamayang gabi mapapanood si Maricel Soriano on TV5’s Star Specials.

Tampok sa episode na pinamahalaan ni Joel La­mangan sina Niña Jose, Allen Dizon, JL Tolentino at Eric Quizon. Pinamagatang Girl, Boy, Bakla, Tomboy, parang na-press ang aking memory button sa larong ’yon ng mga bata sa kalye.

ALFRED VARGAS

ALLEN DIZON

ARTIST CENTER

ERIC QUIZON

JACKIE RICE

JENNYLYN MER

JOEL LA

PAULO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with