^

PSN Showbiz

Aliwan Fiesta dadayuhinng mga artista

-

MANILA, Philippines - Sina Paolo Bediones, Julia Clarete, at KC Montero ang napiling mag-emcee ng awards night sa Aliwan Fiesta, na gaganapin sa ika-24 ng Abril sa harap ng Aliw Theater sa Star City Complex sa Pasay City. Kasama nito, isang bonggang opening production number ang tatampukan ni Yeng Constantino kasama ang rap duo nina Dice and K9, at ang Dance Focus.

Ang timpalak ng Reyna ng Aliwan, na gaganapin sa ika-23 ng Abril ay magtatampok naman sa kilalang Tambalang Balasubas at Balahura ng 90.7 Love Radio na sina Chris Tsuper at Nicole Hyala, kasama ang Philippine Idol finalist na si Gian Magdangal.

Sa Pasakalye 2010, na magsisimula sa taunang selebrasyon ng Aliwan Fiesta sa Abril 22, ay magkakaroon ng dance showdown ang iba’t ibang paaralan doon din sa harap ng Aliw Theater. Magtatanghal din sina Christian Bautista, Luke Mejares, Blakdyak, at Aljur Abrenica.

Nasa ika-walong taon na ngayon ng Aliwan Fiesta, at higit na tumitindi ang preparasyon ng Manila Broadcasting Company at Sentrong Pangkultura ng Pilipinas, kasama ang SM Mall of Asia at mga lungsod ng Pasay at Maynila. Patunay ito na ang Aliwan Fiesta ang pinakamasayang kapistahan dito sa bansa at maituturing na pinakamalaking cultural extravaganza ang itinatanghal sa Kalakhang Maynila.

vuukle comment

ABRIL

ALIW THEATER

ALIWAN FIESTA

ALJUR ABRENICA

CHRIS TSUPER

CHRISTIAN BAUTISTA

DANCE FOCUS

GIAN MAGDANGAL

JULIA CLARETE

KALAKHANG MAYNILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with