Rights ng Movie nina Sarah and Juday nabili ng ABS-CBN
Nakita namin si Mr. Vincent del Rosario sa presscon ng Working Girls 2010 at gaya ng kapatid niyang si Veronique del Rosario-Corpus, hindi rin alam kung bakit hindi sumisipot sa presscon si Cristine Reyes na kasama sa pelikula.
Anyway, inalam na rin namin kay Mr. Vincent kung kailan ang playdate ng Hating Kapatid nina Sarah Geronimo at Judy Ann Santos? “July 27” ang agad nitong sagot, pero may ilang araw pang natitirang shooting days si direk Wenn Deramas. Nabasa namin kay Alfie Lorenzo na tila problema kung paano pagtatagpuin ang schedule nina Judy Ann at Sarah.
Kay Alfie rin namin nalamang hindi pa man tapos ang movie, binili na ng Star Cinema ang TV at video rights ng movie na co-produced ng Viva Films at GMA Films. Kaya kahit ang GMA Films ang co-producer ng movie, sa ABS-CBN mapapanood ang movie at sila ang magre-release ng video.
* * *
Masipag na uling mag-tweet si LJ Reyes after silang ma-interview ni Paulo Avelino ni Ricky Lo sa Startalk noong Sabado at sa Showbiz Central kahapon.
Sa isa nitong tweet, sabi ni LJ, baka this week na siya lumipad for New York, kung saan siya manganganak sa piling ng ina at kapatid.
May pumuri kay LJ dahil kahit buntis na, nagsasayaw pa rin, ang sagot ni LJ ay “strong daw baby ko sabi ng OB ko. Ganun ko ka-love ang dancing!” Kung puwede naman ‘di ba?
Wala raw siyang pinaglilihihan at sa nagtanong kung how was her first three months? Ang sagot ni LJ ay “First 3 months ay grabe. Dahil sa ulcer ko, more than normal ‘yung na-experience ko…Now naman back pains dahil lumalaki na si baby.”
Nagpasalamat si LJ sa nakaintindi at sumusuporta sa kanya, kay Paulo at sa baby boy nila.
Wala pa silang napipiling name ng baby at sabi ni Paulo, susunod siya kay LJ sa New York ‘pag malapit na itong manganak sometime in July.
* * *
Malapit na palang magtapos ang First Time at sabi ni Bea Binene na nakausap namin sa taping ng Bully episode ng Full Time Moms. May 6 na ang last taping day nila at hanggang May na lang sa ere ang show ng triangle nina Joshua Dionisio, Barbie Forteza at Jake Vargas.
Ang Pilyang Kerubin ang next soap ng mga bagets na papalit sa Panday Kids, pero sad si Bea dahil hindi na siya kasama sa nabanggit na primetime soap ng mga kaibigan. Hindi pa niya alam ang next show niya, pero tuwang-tuwa dahil babait ang karakter niyang si Natalie sa week 14 sa First Time at kung paano nangyari, subaybayan ang natitirang linggo nito.
- Latest