^

PSN Showbiz

Rachelle Ann hahataw na sa Party Pilipinas

-

MANILA, Philippines - Tuluy-tuloy ang party ngayong weekend ng Party Pilipinas sa Dagupan!

Todo sayawan at kantahan ang magaganap dahil makikisaya sa Party Pilipinas people sa Panga­sinan hatid ang dalawang Kapuso mall shows na gaga­napin sa Rosales at Dagupan kaugnay ng pagdiri­wang ng Kapuso Bangus Festival 2010.

Hindi rin dapat palagpasin ang pinaka­aabangang pagbabalik ng Kapuso artist na si Rachelle Ann Go dahil isang espesyal na pro­duction number ang mapa­panood ngayong Linggo. 

Ito ang kauna-unahang paglabas at kauna-una­hang performance ni Rachelle Ann sa kanyang pag­babalik sa GMA Network.

Panoorin ang Asia’s Party Capital, Party Pilipinas, live sa Dagupan ngayong Linggo (April 18) simula 11:45 ng umaga sa GMA Network.

Bilang pagtupad sa kanyang binitiwang pangako na sa panahon ng summer ay dadalhin niya kayo   sa iba’t ibang lugar tulad ng Vigan, Baguio at Batangas. Ngayong Linggo ng umaga, isasama tayo ni Mader Ricky Reyes sa kanyang bakasyon sa La Union.

Tutok lang sa Life and Style with Gandang Ricky Reyes, alas-diyes at ipakikita niya ang mga pinuntahang Bacali Ridge sa Northeast of Fernando, Tomb of the Unknown Soldier sa Poro Point, Luna Watchtower sa Luna, Museo de La Union na bukas sa publiko Lunes hanggang Biyernes 8:00 a.m. to 5:00 p.m. at ang Military Shrine and Park sa Darigayos Park.

“Hanga ako sa mga taga-La Union dahil magaling sila sa pottery making at blanket-weaving. Patunay na mayroon silang God-given talent at ang artistry ay di napag-aralan sa eskuwela. Lalo akong humanga dahil di nila pinababayaan ang Shrine of Our Lady of Charity, Shrine of Our Lady of Namacpacan at ang Agoo Apparition Site. Dapat lang talaga na sa halip na ang mga Pilipino’y sa ibang bansa mag-travel, unahin muna nila ang mga lugar sa atin na dinarayo ng mga turista,” sabi ni Mader RR.

Sa mga mahilig sa kalikasa’y inirerekomenda ni RR ang La Union Botanical and Zoological Garden. Sa mga mahilig lumangoy ay ang Bauang Beach, Pagudpud Beach, San Juan Beach at Agoo-Damortis National Seashore Park. At sa mahilig sa pagkain ay ang quapple (bayabas), green corn, yellow corn at mga daing na pingka, dalag, baybay, sapsap, ipusan at tuyo.

Talaga namang malambot ang puso ni Kuya Kim pagdating sa mga hayop dahil kamakailan ay su­mama siya sa isang grupo ng crocodile conser­vationists at nagpakawala ng buwaya sa kagubatan.

Tunghayan ang buong kaganapan ngayong Linggo (April 18) sa multi awarded educational program niyang Matanglawin sa ABS-CBN.

AGOO APPARITION SITE

AGOO-DAMORTIS NATIONAL SEASHORE PARK

BACALI RIDGE

BAUANG BEACH

DAGUPAN

LA UNION

LINGGO

PARTY PILIPINAS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with