^

PSN Showbiz

Mega napaiyak sa mga kanta ni KC

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

Sa bagong album ni KC Concep­cion under Sony Music, titled KC, ay may si­nu­lat itong tatlong awitin na pina­magatang Ma­gan­dang Umaga, Takip Silim, at Worth the Wait na kabilang sa 12 tracks ng kanyang sophomore album.

Magaganda ang nilalaman ng awitin at makahulugan ang mga lyrics kaya napaiyak ang megastar na si Sharon Cu­neta, ayon kay KC. Ang tat­long kom­posisyon ng magandang aktres ay nag­lalarawan ng iba’t ibang yugto sa ku­wento ng pag-ibig.

Co-produced ni KC si Jinno Mina sa apat na awitin sa bagong CD — Hu­log, Na­antig Ako sa ’Yo, Girl Most Likely To, at Tayo Na.

Inaayos na ng Sony Music ang mall tour ni KC na magsisimula ngayong Abril hanggang Mayo.

* * *

Sa presscon ni Gov. Bongbong Marcos ay kasama nito ang kanyang asawang si Liza Araneta at tatlong lovable kids na sina Sandro (16), Simon (14), at Vincent (12) na tipong artistahin. Dito lang nag-Easter ang tatlong bagets at babalik din ng England kung saan dun sila nag-aaral.

Tinanong si Liza kung paano niya ilalarawan bilang asawa si Bongbong, gayundin ang tatlong anak bilang ama naman nila.

Sagot ni Liza, “The best husband. At kahit noong mga bata pa ang mga anak namin ay siya ang nagpapalit ng diapers.”

Para kay Sandro ay hardworking ang kanilang ama. Unique naman ang sagot ni Simon at “persistent” para kay Vincent.

Natawa kami sa sinabi ni Bongbong na Marcos Monsters ang tawag niya sa tatlong anak at mga pamangkin. Ang mga pamangkin kina Imee at Irene ang tinutukoy ng senatoriable.

Si Imee ay may dalawang anak na lalaki at tatlong anak na lalaki rin ang kay Irene.

“Noong maliliit pa sila, super gulo at makulit pa kapag nag­ka­katipun-tipon sa bahay. Para silang mga kabayong nagta­tak­buhan,” sey ni Bongbong.

Napatunayan na kung paano pinahalagahan ng kanyang ina at mga kapatid ang kultura at sining gaya ng pagbibigay ng tribute sa mga Cultural Center of the Philippines artists.

Mahal ni Bongbong ang movie industry kaya kapag naging sena­dor ay aalamin nito ang mga dahilan kung bakit matamlay ang kalagayan ng industriya ng pelikulang Tagalog at tutulungan para makaahon ito.

BONGBONG

BONGBONG MARCOS

CULTURAL CENTER OF THE PHILIPPINES

GIRL MOST LIKELY TO

JINNO MINA

LIZA ARANETA

MARCOS MONSTERS

SHY

SONY MUSIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with