Host ng Tweetbiz inoperan ng baklang TV personality ng P5K nagpapatsugi
Muling nakasama ng programang Tweetbiz si Suzuki, ang Fil-Japanese na nakipagsapalaran sa Survivor Philippines Palau. Isa sa mga orihinal na paparazzi ng naturang show si Suzuki, na muling nakisilip sa mga showbiz intriga in a taped summer episode recently.
Nanariwa tuloy ang kuwento niya tungkol sa ‘indecent proposal’ ng isang baklang TV personality. By accident ay nagkita si Suzuki at ang bida sa isang bar sa Quezon City. Lumapit ang bading, obvious na naghahanap ng panandaliang aliw ng gabing ‘yon.
Palibhasa may pagkabastos ang tabas ng dila ng bakla, kaya hindi na nagtaka ang ilang kasamahan ni Suzuki na mas nakakakilala sa karakas ng bakla. Wala raw itong kaabug-abog na sinabihan si Suzuki ng, “Tsu…in kita, bayaran kita ng P5,000. Hindi ka pa naman sikat, eh!” may halong pang-iinsultong dayalog ng bakla.
Para hindi na lang mapahiya, ngumiti lang daw si Suzuki, pero sa loob-loob niya, tama pala ang mga kuwentong naririnig niya tungkol sa TV personality na ‘yon na kung babaybayin is spelled (all caps) B-A-L-A-H-U-R-A!
Anong ilusyon daw kasi ang pumasok sa kukote ng baklang ‘yon na bayaran o pumapatol sa bakla si Suzuki just because he was hanging around at a bar? Hindi raw dahil sa maliit ang offer ng bakla, kundi pangmamaliit daw ‘yon sa kanyang pagkatao.
Natanong tuloy namin si Suzuki kung “for sale” nga ba siya sa mga baklang parokyano, hindi raw. That very moment, gusto ko sanang ipagtanong ang cellphone number ni John Lapus para hilinging isalang sa Don’t Lie To Me segment niya sa Showbiz Central si Suzuki. But I doubt kung ipaghahagisan si Sweet ng kanyang mga back-up dancer dahil totoo lang ang isasagot ni Suzuki.
Ang baklang TV personality ring ito ang nanlillibak sa Tweetbiz, kesyo hindi raw bagay si Tim Yap sa programa, kesyo hindi raw credible ang mga paparazzi. Hindi raw kasi tulad ng TMZ ang naturang show. Exactly. Hindi talaga dapat kopyahin ng Tweetbiz ang eksaktong format ng TMZ dahil madedemanda ito.
It occurs to me na baka insecure lang ang baklang ‘yon at hindi siya kabilang sa Tweetbiz, what do you think, Tito Gorgy and Shalala?
Teka, hindi perya ang Tweetbiz, walang puwang doon ang palakasan ng boses na wala namang kawawaan ang sinasabi, ‘no. Kung makapanghusga naman ang baklang ‘yon, akala mo, benchmark ang ginagawa niyang pagho-host na click lang sa mga piyesta.
No wonder, sa rami ng mga naiiritang executive producer ng isang istasyon, inaayawan nila ang guesting ng baklang ‘yon. Ayoko siyang pangalanan, baka sumikat pa.
* * *
Kayong mga viewers at studio audience, brace yourselves sa nakakalokang sorpresa ng PO5 ngayong Sunday. Bukod kasi sa mga explosive production numbers at entertaining contests, this is your chance to win big prizes, kabilang na rito ang isang brandnew Toyota Vios.
Kaya Suzuki, join na, you might be the lucky winner of the car, at sagasaan mo nang bonggang-bongga ang baklang type kang hadahin for a cheap fee.
- Latest