Pahinga muna sa acting, Piolo mas gusto nang maging atleta
Kausap ko ang mga fans ni Rayver Cruz na may tampo kay Sarah Geronimo dahil hindi raw nito naipaglaban ang relasyon nila ng kapwa niya batang artsita.
Siyempre, nagulat ako dahil ‘di ko knows na totoo palang nagkaroon ng relasyon ang dalawa gaano man ito ka-short.
Tingnan mo nga naman, ‘yung tinahi-tahimik ng Pop Princess, nakalusot din pala siya sa mga parents niya.
(Galing po sa kampo ni Sarah na hindi sila nag-on ni Rayver. Nililigawan lang daw po si Sarah ni Rayver at isinabay nito ang panliligaw kay Cristine Reyes. – SVA)
* * *
Akala ko rin may problemang kinakaharap ang relasyon nina Dingdong Dantes at Marian Rivera pero nakita sa presscon ng kanilang movie na You To Me Are Everything na hindi ito totoo. In love na in love sila sa isa’t isa. Katunayan nakita sa kanilang tinginan at pagho-holding hands kung gaano kalalim ang kanilang relasyon, idagdag mo pa rito ang pagtatanggol ni Dingdong sa mga paninira ng detractors ni Marian.
“Hindi totoo ang mga sinasabi nila, kilala ko si Marian,” sabi niya.
Kung dati ay itinatago pa ng dalawa ang kanilang relasyon, ngayon open na sila. No need to admit they’re on, kita na sa kanilang kilos at body movements. Ewan ko lang kung gaano na sila katagal pero sa ipinakikita nila parang bago pa lamang sila, not unless na simula nun at hanggang ngayon mas lalong umiinit ang kanilang relasyon.
* * *
Hindi naman ako naniniwalang nati-threaten ang The Buzz ng Paparazzi, gaano man karaming pasabog ang gawin ng bagong palabas ng TV5 dahil una, hindi sila magkasabay ng oras. Pangalawa, hindi lamang nasanay ang manonood sa tandem nina Boy Abunda at Kris Aquino kundi naniniwala sila sa credibility ng mga ito bilang talk show host.
Hindi naman sa nagmamayabang si Boy, nasanay na siya sa mga competition sa ratings kung kaya hindi na siya problemado manalo man o matalo.
* * *
Napaka-suwerte naman ni Piolo Pascual kung mako-consider muli siya para gumanap ng Bongbong Marcos kapag ginawang pelikula ang buhay nito. Nauna nang gumanap si Piolo bilang Ninoy Aquino sa isang palabas ng Maalaala Mo Kaya. Parang napaka-galing naman ni Piolo dahil parang wala nang artista na marunong umarte kundi siya lang na tinawanan lamang niya when told about it.
Sa ngayon, wala sa pag-arte ang concentration niya kundi nasa puspusang pagsasanay dahil gusto niyang maging isang triathlon athlete at makipag-compete sa pagtakbo, pagbisikleta at paglangoy. Kaya, maghihintay muna ang mga acting jobs niya.
- Latest