Aktor tinutuhog ang mga ka-network na aktres
Magsisilbing kick-off point ang One Earth, One Journey: An Earth Day Concert sa 40th Earth Day celebration mamaya sa SMX Convention Center Mall of Asia sa gagawing monthly documentary ni Richard Gutierrez sa GMA 7 starting June. Sa meeting para sa documentary na mala-Full Force of Nature nila naisip na magkaroon ng Earth Day concert para ipaalam sa tao ang epekto ng global warming at ibang problema sa environment.
Si Richard ang host sa two-hour special na ang telecast ay sa April 18, sa SNBO slot ng Channel 7. Katulong ng aktor mamaya ang Haribon Philippines at Greenpeace Philippines kung saan supporter siya at iba pang environmental group.
Bukod sa maraming performers, magko-collaborate ang ilang band members ng isang special number at ilang Kapuso stars ang darating to give helpful tips sa preservation ng environment at ibang resources ng Mother Nature.
Nakakatuwa si Richard dahil kahit hectic ang schedule, may time pa rin sa mga ganitong bagay. Kahit nagsu-shooting ng In Your Eyes at naghahanda sa Survivor Philippines, gagawin pa rin ang monthly documentary na alam niyang marami ang matututunan.
Samantala, alam ni Richard na marami ang nagsasabing ’di niya kakayanin ang mag-host ng Survivor Philippines: Celebrity Edition, pero ayaw niyang patalo sa mga nagne-nega.
“Iyon ang gusto kong marinig, ang nagsasabing ’di ko kaya at ang mga nagsasabi niyan, hindi ako kilala. Kailan ba ako sumuko? I wanna prove to the people that this is my thing, they don’t know me. Gusto ko itong gawin,” ani Richard.
Binigyan si Richard ng DVDs ng two seasons ng Survivor Philippines at Survivor USA at kung may chance, gusto niyang makausap si Paolo Bediones to ask some tips at maghahanda na rin siya dahil celebrity edition ang iho-host niya.
* * *
Ang pagiging babaero pala ang rason sa break-up ng showbiz couple na never umamin na naging sila. Tinabangan ang aktres sa paulit-ulit na pambababae ng boyfriend niyang aktor, kaya siya na mismo ang nakipag-break dito, kaya mali ang sinasabi ng magandang aktres na isa sa mga na-link sa ex ng aktres na iniwan ito ng BF.
Ang mas masakit pa kay Actress A, hindi man mga kaibigan, kapwa niya artista at ka-network pa ang dini-date ng kanyang ex. Kabilang dito ang magandang aktres na tatawagin nating si Actress B na tinarayan si Actress A sa Facebook.
Hindi na kami nagulat nang malamang isa rin si Actress C sa dahilan ng break-up nina Actress A at ex nito dahil player ang babaeng ito. Kung kani-kanino na ito na-link, pero mukhang wala pa siyang nagtatagal na relasyon.
* * *
Nasa bansa pala si Diego, ang anak ni Cesar Montano kay Teresa Loyzaga at sa Twitter account ni Sunshine Cruz-Montano namin nalaman ang tungkol dito. Nag-post si Sunshine ng picture ng bagets habang nagsasalita o kumakanta sa rally ng ama.
Ani Sunshine sa kanyang Twitter account: “My 14-year-old stepson Diego…Gwapo. Campaigning for dad Cesar. Dami niyang fans here in Bohol. He is 14 years old and 5’10”. I think my stepson will make it big in showbiz, kagwapong bata.”
Sa nakita naming picture ng bagets, malaki ang hawig nito kay Cesar at pati kulay ng ama ay nakuha, pero ang height, sa mga Loyzaga siyempre namana.
Nami-miss pa rin ni Sunshine si Angelo (anak ni Cesar na pumanaw) at picture nila ang gamit niya sa kanyang Twitter. Lalo raw niyang nami-miss ang binata ’pag maraming food dahil food buddy niya ito.
- Latest