^

PSN Showbiz

Palito 'di pa puwede sa Walk of Fame

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Hanggang ngayon, kapag pinatutugtog ko ang record ni Sheryl Cruz ay marami pa rin ang nagtatanong kung sino ba ang ghost singer niya. Nineteen kopong-kopong pa ho ito, nung bago pa lamang siya sa That’s… Nakapag-aral na siyang kumanta. Katunayan, may record na siyang na­ging gold. May bago na naman siyang recording at boses na niya ang ginagamit niya. In fairness nakakakanta na siya, sa maniwala kayo’t sa hindi.

Wala naman sigurong Cruz na hindi marunong ku­manta. It took Sheryl more time na matuklasan ang talent niyang ito pero natuklasan naman niya. Hindi man siya sumikat as a singer, sumikat siya bilang magaling na artista.

* * *

Nakikidalamhati ako sa pagpanaw ni Palito. Isa siyang mahusay na komedyante.

May mga nagri-request na ilagay ko siya sa Walk of Fame Philippines. In due time makaka-join din siya rito. Meron nga lamang mga una nang naka-sked. Once a year lang naman kasi akong mag­dagdag ng name. Paano naman, hindi biro ang gastos dito. Kaya nga ako nagpa-fund raising para panggastos dito. Butas na kasi ang bulsa ko. Hindi ako nagrereklamo, nasasabi ko lang para sa kapakanan ng marami na akala, basta-basta lang imintina nito.

Sa mga pamilya ni Palito, huwag kayong mag-alala, makakasama rin siya rito.

* * *

Marami ang nagsasabi sa akin, tumatawag sa radio program ko at nagti-text para lamang mag-comment sa itsura raw ni Claudine Barretto. Ma­syado raw itong mataba, kailangan nitong mag­bawas ng timbang. 

Nahalata rin daw nila na iniaangat ang asawa niyang si Raymart Santiago at her expense. Ganun ba? Hindi ko kasi napanood ang unang epi­sode ng Claudine, nasa labas kasi ako. Pero kung totoo ngang mataba sa screen si Claudine, she has to do something about it. Ayaw naman si­­guro niyang maging pre-mature ang kanyang pag­­tanda.

Itinatanong nga pala nila kung totoong pagpa­parehahin sila ni Richard Gutierrez. Worried sila kung kakagatin sila ng manonood. Batid kasi ng lahat na may asawa na si Claudine.

* * *

Tingnan mo nga naman, napakaliit lang ng mundo ng telebisyon. Yung dating magkakaaway, magkakasama na ngayon sa trabaho. True kaya na bati-bati na sila o pinepeke lamang ang ka­nilang closeness?

Laban-laban din ngayon sa mga celebrity talk shows, sana ang mga hosts bati-bati na.Trabaho lang ang pairalin at huwag ang emosyon. 

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

NAMAN

PALITO

RAYMART SANTIAGO

RICHARD GUTIERREZ

SHERYL CRUZ

SHY

SIYA

WALK OF FAME PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with