^

PSN Showbiz

Angelina at Brad Pitt may multo ang tinitirhan sa Italy

-

MANILA, Philippines - Maraming nagulat nang mapabalitang haunted house ang isang gusali sa Venice, Italy ang kasalukuyang tinitirhan ng international su­per­­star na si Angelina Jolie.

Ayon sa Sky News, kasama ni Angelina sa haunt­ed house ang asawang si Brad Pitt at tatlong anak.        

Napaulat na ang gusaling tinitirhan ni Angelina sa Venice ay dating tinatayuan ng Palace Mo­cenigo noong ika-16 na siglo. 

Minumulto umano ang gusali pero dito rin daw na­piling kunan ang ilang mga eksena sa bagong pelikula ni Angelina na The Tourist.

Sinasabi ng mga residente sa naturang lugar na nagpapakita at nagpa­pa­ram­dam sa loob ng lu­mang bahay-gusali ang multo ni Giordano Bruno, isang Italian Dominican friar, philosopher at astronomer na namatay noong 1600.

Kaya makakasama raw ng multo ni Bruno sina Angelina, Bratt, at ng mga anak nilang sina Shiloh, Knoxx at Vivienne sa naturang ta­hanan.

Hindi na umano kataka-takang pinili ni Angelina ang Palasyo dahil mahilig siya sa mga kakatwa o kakaibang mga bagay tulad sa pana­namit at mga vials ng dugo.

Iniisip lang ng iba kung hindi ba natatakot sina Angelina at Bratt sa kasambahay nilang multo.- Isinalin sa Tagalog ni Mon Bernardo

ANGELINA

ANGELINA JOLIE

BRAD PITT

BRATT

GIORDANO BRUNO

ITALIAN DOMINICAN

MON BERNARDO

PALACE MO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with