^

PSN Showbiz

Aliwan may Fiesta Shoppers Bazaar

-

MANILA, Philippines - Hangad ng Manila Broadcasting Company na iangat ang antas ng ‘personal shopping’ para sa mga artista at iba pang kilalang celebrity sa muling pagkakaroon ng Aliwan Fiesta Shoppers Bazaar sa ika-22 hanggang ika-24 ng Abril sa Sotto Street ng CCP Complex sa Pasay. 

Inaanyayahang magtayo ng booth ang mga nagtitinda ng iba’t ibang produktong galing sa mga lalawigan – maging handicraft, mga damit, fashion ac­cessories, katutubong habi, mga prutas at ka­kanin, o kahit gamit sa bahay. Ang mga ko­ope­ratiba, tribal showroom, at mga NGO na kasali sa kampanyang One Town, One Product ng De­partment of Trade and Industry ay partikular na ina­asahang lalahok.

Ang mga interesado sa Aliwan Fiesta Shoppers Bazaar ay maaring makipag-ugnayan kay Teray Rivas sa telepono bilang 832-3249 at 216-6022.

Alamin ang karagdagang detalye ukol sa Aliwan Fiesta sa website na http://www.aliwanfiesta.com.ph

ALIWAN FIESTA

ALIWAN FIESTA SHOPPERS BAZAAR

MANILA BROADCASTING COMPANY

ONE PRODUCT

ONE TOWN

SHOPPERS BAZAAR

SOTTO STREET

TERAY RIVAS

TRADE AND INDUSTRY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with