Ruffa takot sa away
First time na nakita ng entertainment press ang tatlong anak na lalaki ni Bongbong Marcos. Paano wala sila sa bansa. Nasa abroad sila nag-aaral. Mga tatlong beses isang taon lamang kung umuwi sila para magbakasyon. Nataon na semestral break kaya kasa-kasama sila ng kanilang ama na umiikot para mangampanya dahil tumatakbo ito sa pagka-senador.
Mga papabol ang tatlong bagets na edad 12 (Vincent), 14 (Simon) at 17 (Sandro). First time nilang ma-expose sa publiko kaya mahiyain pa pero kapag nahihilingang magsalita ay game naman sila.
Tinanong ang kanilang ama kung papayagang mag-artista ang mga ito. Payag naman ang senatoriable pero sinabi niyang may mga kailangang pagdaanan at gawin ang kanyang mga anak. Tulad ng pag-aaral ng Tagalog. Nagulat pa siya nang sabihin ng mga bata na matatas silang mag-Tagalog.
“Walang problema kung gusto nilang mag-artista pero pag-aralan muna nila. At kailangang seryosohin nila,” ang sabi ng ama na nakatikim ding sumalang sa kamera nung bata pa siya when he portrayed himself sa filmbio ng kanyang mga magulang na Iginuhit ng Tadhana. Hindi naman yun nagsimula ng isang career para sa kanya sa showbiz dahil pakiramdam niya, hindi siya dun itinadhana.
“Itatanong ko nga sa nanay ko kung bakit ako ang kinuha para gampanan ang aking sarili sa pelikula,” sabi niya na nagulat nang malaman na sumubok din palang mag-artista ng kanyang nanay sa Sampaguita Pictures pero inagaw ito ng maagang pag-aasawa sa kanyang ama.
Isa ring staunch supporter ng culture and arts ang bunso nina Ferdinand at Imelda at naniniwalang may magandang hinaharap ang indie films. Umaasa na lamang siya na darating ang panahon na makapag-host ang bansa ng isang international indie film festival. Kailangan lamang ng suporta ng gobyerno ng mga producer ng indie films.
* * *
Sa isang interview, ibinahagi ni Valerie Concepcion na bilib siya sa performance ng mga PBB housemates na sina Tom Rodriguez, Cathy Remperas at Johan Santos sa Precious Heart Romances (PHR) presents Love Me Again kahit mga baguhan pa ang mga ito pagdating sa pag-arte.
“For starters, they are very natural. Surprisingly, hindi sila ‘trying too hard’. Tama ‘yung choice na sila ang i-cast sa show na ‘to dahil nakaka-act talaga sila,” sabi ni Valerie.
Naikuwento rin ng TV host-actress na nasa proseso pa siya ng pakikipag-bonding sa mga bagong kasama sa show.
* * *
Mukha talagang excited si Ruffa Gutierrez sa bago niyang programang Paparazzi. Ito ay sa kabila ng pangyayaring dati niyang nakasamaan ng loob ang dalawa niyang co-hosts na sina Cristy Fermin at Dolly Ann Carvajal. Hindi pala siya kundi ang mom niya ang nakaengkuwentro ni Cristy sa korte pero, never itong naging balakid sa friendship niya with her “nanay” as she fondly call the veteran entertainment writer cum TV host.
“Palagi ko siyang binabati dahil wala namang sinasabi ang mom ko na huwag ko siyang batiin or what.
“Pagdating naman kay Dolly Ann, yung mga sinusulat niya sa akin minsan ang nagiging bone of contention namin but I’ve never lost respect for her, nagtatampo lang minsan na palaging on the verge of nagagalit na ang mom ko dahil kung ako, hindi ko na lang papansinin yung mga isinusulat niya sa akin.
“I’m always Miss Friendship. Wala akong kagalit. I’ve never closed my door to anybody. If I did, hindi siguro kami comfortable sa isa’t isa ngayon. Pero okay na kaming tatlo. Okay na si ‘Nay Cristy at mommy. At okay na kami ni Dolly Ann,” sabi niya.
- Latest