Nina sinasadyang galitin ni Nyoy
Ni tingnan, hindi kayang gawin ni Nina ang dating karelasyong si Nyoy Volante kahit nagkakasama sila sa isang gig o event. Parang hindi na lamang niya ito nakikita. Ganun marahil siya kagalit sa kanyang ex na hanggang ngayon ay mayroon pa silang problema sa pera na hindi pa nalulutas. Kaya ipinauubaya na lamang ito ni Nina sa korte.
Lalo marahil magagalit ang magandang singer kapag nalaman niyang ang carrier single ng pinakabagong album ni Nyoy under MCA Universal ay Someday, isang komposisyon ni Nyoy na ginawa niya at ini-record ni Nina nung sila pa. Katuwiran ni Nyoy ay maganda ang kanta kaya ini-record niya itong muli.
* * *
‘Di tulad ng mga naunang winner ng Pinoy Big Brother na hindi tinirhan ang house & lot na premyo nila bilang winner ng PBB dahil malayo sa kanilang place of work o kaya ay maliit para magkasya silang buong pamilya, si Melissa Cantiveros, winner ng PBB Double Up ay nagsimula nang tumira sa napanalunang bahay na matatagpuan sa Binangonan, Rizal makatapos ang kanyang kaarawan.
Pinakamasayang kaarawan ni Melai na maituturing ang nakaraan niyang 22nd birthday nung April 6. Bukod kasi sa bahay, meron din siyang premyong cash na magagamit nila sa kanilang pagsisimula dito sa Maynila. Makakasama niya sa bahay ang kanyang pamilya. Ang bahay ay ipinaaari niya sa kanyang mga magulang.
Walang pagsidlan ng kaligayahan ang babaeng taga-GenSan dahil bukod sa pagkakaroon ng bahay at pera, nakatagpo pa siya ng boyfriend sa loob ng Bahay ni Kuya, ang 3rd placer na si Jason Francisco. Bagaman at madalas ay parang hindi sila seryoso sa kanilang relasyon, ipinakilala na nila ang isa’t isa sa kani-kanilang mga magulang.
* * *
Noong Nobyembre 2009, itinampok ang talambuhay ng dakilang ina ni presidentiable Manny Villar na si Nanay Curing Villar sa Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN. Ginampanan ng young actress na si Empress Schuck ang papel ni Nanay Curing noong kabataan niya, Chin Chin Gutierrez noong middle aged na siya, at Ms. Gina Pareño nang tumanda na. Si Sen. Villar naman ay ginampanan ni Tonton Gutierrez.
Dito ay ipinakita kung paano nagsikap si Nanay Curing, kasama ang batang si Manny na magtinda ng hipon sa palengke. Nakita rin sa MMK kung gaano kahirap ang buhay nina Sen. Villar noon na nakatira lamang sa isang barong-barong sa Tondo. Napanood din dito ang pagkamatay ng kanyang nakababatang kapatid dahil sa kawalan nila ng perang pampagamot dito.
Unfair ang black propaganda na kumukuwestiyon sa pagiging laki sa hirap ng senador. Hindi papayagan ng MMK ang maling istorya dahil hindi ito basta-bastang drama anthology, ito ay award winning TV program. Lahat ng talambuhay o istorya rito ay nire-research nang mabuti at hindi basta-basta na lamang ipinalalabas. Pangit naman kung dahil lang sa pulitika, pati ang kredibilidad ng MMK ay madadamay.
- Latest