Anne napupuyat sa 'bigay' ni Sam
MANILA, Philippines - One Earth, One Journey. Ito ang magiging tema ng environmental concert si Richard Gutierrez presented by GMA 7 sa SMX sa SM Mall of Asia sa Biyernes (Abril 16), 6:00 p.m.
Common knowledge naman na ang pinakamatinding advocacy ng young actor ay ang pagtulong sa conservation ng ating kalikasan kaya sobrang excited at ganado ang aktor para sa proyektong ito.
Actually, after nga raw ng Eat Bulaga guesting ng aktor noong Sabado para i-promote ang One Earth, One Journey, nagpunta pa si Richard sa U.P. campus para naman sa training niya ng pagbabasa ng poem na gagawin niya sa environmental concert next week.
Anyway, libre ang panonood ng One Earth, One Journey (first come, first serve) na sasamahan ng napakaraming GMA 7 talents at mga sikat na banda sa pangunguna nina Mark Bautista, Rachelle Ann Go, Kyla, JayR, Cookie Chua, Noel Cabangon, Sponge Cola, Pupil, Urbandub, Freestyle, Nyco, Gloc 9, Callalily, Hale kaya dapat maging maaga kayo.
Makakasama rin daw at susuporta kay Richard ang mga kasamahan niya sa Royale ERA Entertainment.
Ipapalabas din ito sa SNBO ng GMA 7 sa Abril 18 pagkatapos ng Show Me Da Manny.
Aside from that environmental concert, abala rin si Richard sa paghahanda para sa hosting stint niya sa Survivor Philippines: Celebrity Edition at ginagawa rin ni Richard ang pelikulang In Your Eyes kung saan kasama niya sina Anne Curtis at Claudine Barretto.
* * *
Parang hindi naman bagay na parang nilalandi-landi ni Eugene Domingo ang Brazilian model na si Flavio Ire. Though meron silang pagsasamahang show sa GMA 7. Teka bakit hindi i-develop ng GMA ang nasabing male model na matinee idol na pantapat kina Sam Milby at Derek Ramsay?
* * *
Pabalik-balik pala ng bansa si Eric Quizon. Sa Singapore siya naka-base pero tumatanggap siya ng mga assignment sa bansa. Like may show pala siya sa GMA 7, First Time at nagdidirek siya ng Pidol Wonderland sa TV5.
* * *
Ayun Ipad lang naman ang sinasabing bagong boyfriend ni Anne Curtis at hindi pa sila nagkakabalikan ni Sam Milby. Though galing kay Sam ang nasabing Ipad na pinagpupuyatan niya.
Pasalubong ni Sam ang nasabing bagong gadget kay Anne na pinagkakaguluhan sa Amerika. Say ni Sam, fans nila ng actress ang nakipila para makakuha siya ng Ipad nang mag-guest siya sa The Buzz kahapon.
Anyway, dahil sa bonggang kita ng pelikula nilang Babe I Love You, magkasama uli sila bilang endorsers ng Folded & Hung. Si Anne ang bumabanderang endorser ng bagong perfumery line samantalang si Sam naman ang nasa men’s apparel.
Hindi na madi-deny ang kasikatan ni Anne bilang isang actress-host kaya naman nagdesisyon ang pamunuan ng F&H na siya ang piliin para pangunahan ang bagong line of scents nila na tinawag na A Series.
Apat na klase ng scents mayroon ang A Series kabilang dito ang Innocence . Meron ding Muse na may bango ng vanilla at Ingeneu na may pagka-fruity ang dating. Ang pinaka-signature scent sa koleksiyon ang Stargaze kung saan ay pinaghalo itong sexy citrus at floral powdery.
Si Sam naman ay nauna nang endorser ng F&H men’s apparel. Kaliwa’t kanan siyang makikita sa mga covers ng mga sikat na magazines kung saan nagiging sell-out.
Anyway, kumita ng 12 million sa unang araw ng showing ang Babe I Love You.
Going back to Anne, Kasalukuyang busy ang aktres sa shooting ng In Your Eyes na pagtatambalan nila nina Claudine Barretto at Richard Gutierrez.
- Latest