^

PSN Showbiz

Ricky Reyes ipapakita ang 'paraiso'

-

MANILA, Philippines - Mainit ang panahon pero hindi ito dapat maging hadlang para tayo, lalo na ang mga kabataan, ay mag-enjoy lalo’t bakasyon sila sa eskwela.

Sa Life and Style With Gandang Ricky Reyes ngayong Linggo, alas-diyes hanggang alas-onse nang umaga, ay ipapasyal tayo ni Mader Ricky Reyes sa kanyang “paraiso” — ang Golden Sunset Resort Inn and Spa sa Ba­rangay Uno, Calatagan, Batangas. 

Pamoso ang lugar na ito dahil sa apat na swimming pool, Butterfly Farm, Bicycle Area, Souvenir Shop, apat na restaurants na iba-iba ang pagkaing matitik­man sa halagang kayang-kaya ng bulsa, isang museum kung saan naka-display ang mga antigong palamuti at kasangkapang nahukay sa Cala­ta­gan, maayos na cottages, seminar room, at mga well trained na masa­histang makakalunas sa ating mga pagod na katawan.

Ibabalita rin ng magaling at premyadong aktor na si Pen Medina ang kan­yang acting workshop para sa mga kabataan.

Magtuturo si Regine Tolentino ng mga ehersisyo sa Gandang Body at matu­tunghayan din ang mga napapanahong ayos ng buhok sa Great Hair Day.

Magbibigay pa si Mader ng mga eskwelahang maaaring puntahan kung nais n’yong matuto ng scientific and safe na paglangoy. 

At para hindi mainip ang mga batang bakasyonista, meron ding isa-suggest ang Life and Style With Gandang Ricky Reyes na mga nagtuturo ng pagguhit, pag­pipinta, at martial arts gaya ng karate, kickboxing, taekwondo, atbp.

Samantalahin ang inyong bakasyon-grande para mamasyal, kumain, mag­saya, at magdagdag ng kaalaman. Sa totoo lang, marami talagang paraang magagawa para hindi magmukmok at malungkot ngayong summer!   

vuukle comment

BICYCLE AREA

BUTTERFLY FARM

GANDANG BODY

GOLDEN SUNSET RESORT INN AND SPA

GREAT HAIR DAY

LIFE AND STYLE WITH GANDANG RICKY REYES

MADER

PEN MEDINA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with