Young actor buking ang panunulsol sa nililigawang young actress
May pagkabastos pala ang isang young actor. Nakatsikahan ko ang isang taong malapit sa young actress na balitang-balitang nililigawan ng nasabing young actor.
As in hindi pala alam ng young actor ang salitang respeto.
At ang the height, sinusulsulan pa nitong lumaban sa magulang ang kanyang nililigawan.
Mabuti na lang daw at naagapan ng magulang ang young actress bago tuluyang na-impluwensiyahan ng young actor.
Bukod sa bad influence ang nasabing young actor sa nililigawang young actress, nadiskubre nilang plano lang nitong paglaruan ang young actress dahil nanliligaw pa ito sa isa pang young actress.
Pasalamat sila na maagang nagkabukingan or else, baka napahamak pa ang dalawang young actresses na plinaplano sanang paglaruan lang ng young actor na nag-uumpisa pa lang sanang sumikat.
Alam ng lahat ang panliligaw ng young actor kay young actress dahil parati niya itong ginagamit sa lahat ng interview na parang pure and sincere ang kanyang intention.
* * *
Malakas na talaga ang following ng MYX channel kahit sa mga probinsiya. In fact, kuwento ni Mr. Andre Alvarez, MYX Channel head, kahit saan sila magpunta particularly sa probinsiya, kilalang-kilala ang mga VJs nila. Kahit nga noong nasa Boracay ang grupo para sa Pinoy MYX Live in Bora na naka-schedule ipalabas this Friday, April 9, 1:00-6:00 p.m., hindi nag-alisan ang audience kahit almost 12:00 m.n. na nag-start ang show (after pa ng trade launch pa ng ABS-CBN shows more than two weeks ago sa Bora.)
Nag-perform that night sina Christian Bautista, Nina, Rachelle Ann Go (na isang certified Kapuso na matapos pumirma ng kontrata sa GMA 7 the other night), and Richard Poon. Pero kahit madaling araw na noon sa Bora, in fairness to MYX, ang dami pa ring nanonood sa kanila. Hindi nag-alisan.
Anyway, nabanggit din ni Mr. Alvarez na hindi uso sa MYX ang network war kahit common knowledge na under ABS-CBN sila. As in kahit Kapuso, “Kanguso,” o Kapatid ka pa, welcome sa kanila basta singer at may album.
Naging guest VJ na sa kanila sina Dingdong Dantes and Rhian Ramos dahil pareho silang nag-promote ng album. “Kahit La Diva, Janno Gibbs, or Regine Velasquez ka, pareho sila ng level of importance ng mga singers from ABS-CBN.”
Invited din lahat ng mga singers sa tuwing magkakaroon silang MYX Awards.
Samantala, hindi lang naman tuwa ang na-feel ni Mr. Alvarez nang magsara ang MTV channel sa bansa. Nabawasan na ang kakumpetensiya nila at admitted siya na maraming nagko-congratulate sa kanila sa nasabing development. Pero in a way, may sadness siyang nararamdaman.
“Less opportunity for local music,” sabi niya habang ongoing ang MYX Bora Live.
- Latest