^

PSN Showbiz

Nag-breakdown sa pag-eere ng Villar campaign ni Baby James, Kris nag-walkout sa taping

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Breaking news : “Nag-walkout si Kris Aquino sa taping ng Kung Tayo’y Magkakalayo. Dumating siya ng 9:00 a.m. pero umalis din ng 10:30 a.m.,” simula ng kausap ko sa kabilang linya.

“Hindi niya matanggap ang paulit-ulit na pagpapalabas ng video tungkol kay Baby James,” dagdag ng source sa kabilang linya.

“Nagtatampo siya. Pagtalikod niya, nag-breakdown. Hindi nila alam kung nasaan si Kris.

“Ayun hanggang kahapon ng hapon, nakatengga sila (production ng Kung Tayo’y Magkakalayo) pero itutuloy ang taping nila,” dagdag na kuwento ng isang witness sa pagwa-walkout ni Kris sa taping ng kanyang soap opera sa ABS-CBN kahapon.

Actually, ang hindi lang daw kapata-patawad at katanggap-tanggap na ang isang channel na akala ng madla ay pro-Noynoy Aquino ay ipinalalabas ang video ni Baby James na umiral ang pagkapilyo sa isang campaign rally na nang tanungin siya kung sino ang iboboto, Villar ang isinagot ng batang magtatatlong taon pa lang naman.

But on the other hand, nakabuti rin naman dahil kahit inaakusahan ng mga tao ang pagiging pro-Noynoy ng Dos, napatunayan nilang pagdating sa balita, wala silang pinatatawad.

Well, makikinabang na naman dito si Sen. Manny Villar na nagpa-planong padalhan ng tatlong relos si Baby James bilang pasasalamat sa ginawa nitong pagbanggit sa kanyang pangalan sa kampanya sa Bacolod bago nag-Semana Santa.

Joke tuloy ni Tito Alfie Lorenzo, naniniguro lang si Baby James noh. Na hindi sila dapat lahat maka-Noynoy dahil baka raw manalo si Villar eh ‘di puwede rin siyang makitira sa Malacañang as guest.

Hahaha. Kaloka na ang kuwentong ito.

Anyway here pala ang buong tweet ni Kris last Monday :

“Nag-sorry ako to Noy & my sisters right away & they told me siempre he’s 2 yrs old- terrible 2s. Moral of the story- we let him be 2 while guiding him to be a good boy.

 “Hay naku, ang ka naughty-han ni Bimby! Talagang heaven’s way of making me feel all I did before to stress Mom. True, he said “Veeyar” in Bacolod rally. Nag naughty siya kasi 10th event namin that day- pagod na. Bimby is sikat so nasa news.”

* * *

Pahinga muna ng apat na araw sa kampanya si Vice Presidentiable Edu Manzano. Pupuntahan ng actor/TV host ang kapatid niyang namatay - si Adrian Manzano sa Amerika dahil sa aneurysm.

Nasa Davao daw si Edu nang malaman niya ang nangyari sa kapatid.

* * *

Hindi naman ka-X X ang ginawang short film ni Jeffrey Jeturian na kasali sa amBisyon2010 ng ANC.

Eh ano naman kung ginamit ng magbo-bote ang diyaryong nakalagay ang photo ni President Gloria Macapagal Arroyo na headline ang tungkol sa gumagandang ekonomiya ng bansa na pamunas sa natapakan niyang ebs (dumi ng tao yata yun). Kadiri. Pero yun naman talaga ang nangyayari pag luma na ang isang diyaryo. Ginagamit nang pamunas sa kung saan-saan. Malamang kahit si Pangulong Gloria ay mabababawan sa X-rating na ibinigay ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa Ganito Tayo Ngayon, Paano Tayo Bukas.

Anyway, kasama ang nasabing project ni Direk Jeffrey sa 20 short films and docu sa napanood namin the other night sa CCP.

Interesting din ang music video na ginawa ni Direk Brillante Mendoza na na-X din sa MTRCB titled Ayos Ka.

Actually, pag-iinteresan itong bilhin ni Sen. Villar dahil hindi ito kalayuan sa mga ginagamit niyang jingle na super sikat na pati si Baby James ay parang alam na alam.

Sa unang pagkakataon, ipinalabas ng buo ang bawat isa sa 20 maiikling pelikula ng amBisyon2010 na dinaluhan ng 19 sa 20 direktor na kalahok.

Merong maganda, pero meron din namang wala lang. Hindi ko na gets kung anong relevance ng isang panaginip at agam-agam sa problema ng bayan. Nag-uusap lang kasi ang dalawang character sa peli­kula na na nanaginip si babae na niloloko siya ng katabi niyang asawa.

Anyway, pero marami rin namang magaganda at may relevance at malakas ang impact sa mga nanood.

Like yung isang babaeng nanganganak na hindi tinatanggap sa private hospital dahil mukhang mahirap, dinala sa public hospital pero punuan na hanggang dalhin sa district hospital pero pinagdu­dahan pang nagpa-abort kaya dinudugo.

Ang awayan ng dalawang titser dahil tinuturuan ng isa na sumali sa rally ang mga estudyante nilang mga anak mayayaman pero sa kasamaang palad ay na-comatose ang isang estudyante sa kaka-rally na pinamagatang Faculty.

Ang kuwento ng isang agent ng punirarya na nainis sa isang medical mission sa kanilang lugar kaya nambato ng mga nurse dahil wala na namang namatay dahil wala siyang makuhang kliyente.

Meron ding docu ng nangyari sa paglalakad ng Somilao farmers mula Bacolod hanggang sa Manila at ang hirap na dinaanan nila.

Maganda rin ang kuwento na pinagbidahan ni JC Parker na nang tumanda ay ginampanan ni Snooky Serna.

Interesting panoorin ang mga kasali sa ambisyon2010 na naglalayong tulungan ang mamamayan na bumoto ng tama.

ADRIAN MANZANO

ALFIE LORENZO

AYOS KA

BABY JAMES

BACOLOD

DAHIL

ISANG

KUNG TAYO

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with