^

PSN Showbiz

'Paano' nina Erich at Enchong ipalalabas sa mga sinehan

-

MANILA, Philippines - Isang special fans day ang inihanda ng Cinema One para sa mga avid supporters ng isa sa hottest loveteams ngayon na sina Enchong Dee at Erich Gonzalez. Ginanap ito kahapon sa SM North EDSA Annex, Entertainment Plaza.

Ang fans day ay para sa pagpapalabas ng Cinema One Originals movie na  Paano Ko Sa­sabihin? na pinagbibidahan ng EnRich loveteam. Ipalalabas ito mula April 16 to 22 sa selected SM cinemas nation­wide kabilang ang SM Manila, Sta. Mesa, Megamall, Fairview, North EDSA, Southmall, Bacoor, Clark, Cebu at Davao.

Isang light romantic comedy ang Paano Ko Sasabihin? na tungkol sa dalawang taong may kaka­ibang kuwento ng pag-ibig. Deaf-mute lovers ang role na ginagampanan nina Enchong at Erich sa pelikula.

Umani ng papuri ang nasabing pelikula sa mga mano­nood at maging sa mga film critics. Bu­kod sa kanilang mga successful ABS-CBN soaps na Katorse at Tanging Yaman, hindi binigo ng hit loveteam ang film viewers ng Paano Ko Sasabihin?” sa husay ng kanilang pagganap. In fact, sa ganda ng pelikula, nominated si Enchong bilang New Movie Actor of the Year sa 26th PMPC Star Awards for Movies 2010.

Eh bakit sa dinami-dami ng artista ng ABS-CBN, sila ang napili para sa nasabing pelikula?

Dapat daw panoorin ang pelikula dahil bagay sila dito.

Isa ito sa mga big winners ng pinakahuling Cinema One Originals Digital Movie Festival. Nakuha nito ang mga awards para sa mga kategoryang Best Editing, Special Mention Award at Audience Choice Award for Best Digital Movie.

Written and directed by Richard Legaspi ang Paano Ko Sasabihin?

Si Legaspi ay graduate ng Asian Film Academy sa Pusan, South Korea. Ipi­na­labas ang kanyang mga pelikula sa Pusan, Dubai, Pyongyang, Berlin, Vien­na, Budapest, at iba pang kilalang film festivals. Ang short film niyang Ambulancia ay nagwagi sa Festival Internazionale del Corto­metraggio San Gio sa Verona, Italy.

Si Legaspi rin ang unang Filipino filmmaker na naimbitahan sa 32nd Film Festival Weiterstadt sa Germany at kauna-unahang Asian filmmaker na nominado sa Grand OFF European Film Awards sa Warsaw, Poland. (KS)

Ito ay sa ilalim ng produksiyon ng taunang Ci­nema One Originals project.  

ASIAN FILM ACADEMY

AUDIENCE CHOICE AWARD

BEST DIGITAL MOVIE

BEST EDITING

CINEMA ONE

CINEMA ONE ORIGINALS

PAANO KO SASABIHIN

SHY

SI LEGASPI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with