Rufa Mae at Akihiro sweet na sweet kahit Holy Week
Dahil daw nagparetoke si Nora Aunor ay mas mukha na siyang bata kay Vilma Santos. Sigurado akong magri-react na naman dito ang mga Vilmanians.
Nire-revive ba nating muli ang rivalry ng dalawa?
Let us hope na muli ngang dumating si Nora at magtrabaho dito, even for a while. It will be a great boost sa ating industriya na active pa ang isa sa pinaka-dakilang aktres dito sa Asya. At sana magkasama sila ni Vilma sa isang proyekto. Ito ang i-wish natin.
* * *
Kailangan ba talagang sumipsip ni Aljur Abrenica sa mga bossing ng Siete para lamang magka-project? Unfair naman ito kay Aljur who has been working hard. Baka naman nagpapakita lamang siya ng kabutihan sa kanila bilang pasasalamat.
* * *
Kapag napatunayan na something is going on with Rufa Mae Quinto and Akihiro Sato, eh di nagsisinungaling lang pala ang comedy actress sa pagsasabing may boyfriend siya na nakatakda niyang pakasalan. Drawing lang pala niya ito.
Nakita kasi silang magkasama sa isang resort noong Holy Week. At very sweet daw sila. Kung taken na si Rufa eh bakit daw nakikipagmabutihan pa ito sa modelo?
At bakit kailangan ni Rufa na mag-drawing pa ng boyfriend? Yung ganda niyang ‘yan? Naglalaho na ba ang kanyang karisma? Naku Rufa Mae ipaliwanag mo yan!
- Latest