^

PSN Showbiz

Programa ng Sexbomb inalisan ng slot

- Veronica R. Samio -

Finally, inamin na rin ni Sunshine Dizon na may asawa na nga siya. Bina­ta ang napangasawa niyang isang piloto at nagngangalang Tim. Wala itong asawa pero mayroong anak sa pagkabinata na hindi naging sagabal para sa ginawa niyang pagpapakasal dito. Ang hindi raw totoo ay inilihim niya ang kasal nila sa huwes sa kanyang mga magulang, lalo na sa kanyang ina.

 “Mayroon bang anak na nagpapakasal ng hindi alam ng magulang? Hindi naman kami nagtanan. Planado yun, hindi ora-oradang desisyon,” katu­wiran ng mahusay na aktres na may plano pa ring magkaroon ng church wedding. Hihin­tayin lamang ang pagdating ng kanyang ama.

* * *

Sayang naman kung mawawala na ng tuluyan ang grupo ng Sexbomb sa GMA7 dahil ang slot ng mata­gal na nilang ginagawang Daisy Siete ay ibinigay na sa iba. Tinanggihan pa naman ng manager ng gru­po ang alok ng TV5 na makasama sila sa pantang­haling pala­bas nito na nang tang­gihan ni Joy Cancio, ibinigay naman sa trio ng mga dating Wowowee lead dancers na sina Luningning, Mariposa, at Milagring. Kapag nag­kataon, baka pagsisihan pa ng labis ni Joy Cancio ang pasya niyang manatili sa Siete at di lumipat ng Singko.

* * *

Hindi kabayo kundi isang tao na ang makakapalit ni Ruffa Gutierrez bilang co-host ng The Buzz. Mata­tandaang hindi pa nalalaunan nang lisanin ng Miss World Princess ang programa para maging Kapatid sa TV5. Iniwan niya sina Boy Abunda at Kris Aquino na kaya namang dalhin ang The Buzz ng silang dala­wa lamang, but of course with the help of Jobert Su­cal­dito and Phoemela Barranda. Pero dahil naka­ga­wian na marahil na tatlo ang host ng programa kaya kailangan ng isang makakapalit ni Ruffa.

 Hindi obvious choice si Vice Ganda dahil siyempre ang inaasahan na maka­ka­pa­lit niya ay isa ring babae pero sinuwerte ang 34 year old na nag-aral para maging abogado pero natuloy sa pag-aartista. Sa kasalukuyan,  nagtatamasa si Vice Ganda ng hindi matatawarang popularidad at inaasahang makapag­daragdag ito ng excitement sa show with his brand of comedy and hosting.

Kay Vice Ganda ibinibigay ng kredito ng pagtatagumpay ng It’s Showtime bagaman at mabilis niya itong itinatanggi at sinasabing “Maganda ang show, ito ang humahatak ng maraming manonood sa show,” pa-humble niyang katwiran.

(Akala ko si KC Concepcion ang papalit kay Ruffa sa The Buzz. – SVA)

vuukle comment

BOY ABUNDA

DAISY SIETE

JOBERT SU

JOY CANCIO

KAY VICE GANDA

KRIS AQUINO

MISS WORLD PRINCESS

SHY

VICE GANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with