^

PSN Showbiz

Pacman ayaw pumatol sa baklang manlalait!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Salamat sa PSN reader na si Rorie Macahilas dahil siya ang nagpadala sa akin ng kumpletong im­pormasyon tungkol sa pagtataray sa ating bayan ng American radio host na si Adam Carolla.

Hindi lamang ang Pilipinas ang tinarayan ng baklitang radio host. Nilait-lait din niya si Manny Pacquiao at ang ating lahi.

Ang aking verdict? Kulang sa pansin si Adam na nagpapaka-Eve. Nagpapakontrobersyal siya para mapag-usapan. Ginagamit niya ang ating lipi!

Dinededma ang mga tao na kagaya ni Adam. Tama ang stand ni Manny na huwag sagutin at pa­tulan ang baklitang radio host. Hindi tayo dapat mag­pa­paapekto sa mga drama ni Adam. Kung papatulan natin ang kanyang kabadingan, siya pa ang makiki­nabang dahil magkakaroon siya ng libreng publicity kagaya ng ginawa ko ngayon. Ito ang first and last time na magsusulat ako tungkol kay Adam. Ayokong magpagamit sa kanya. Ayokoooo!

* * *

Umapir si Maria Venus Raj sa The Buzz noong Linggo para ipaliwanag ang kanyang panig tungkol sa pagbawi ng Bb. Pilipinas Charities Inc. sa kanyang korona at beauty title na Bb. Pilipinas-Universe.

Ang sey ni Venus, ilalaban niya ang kanyang karapatan. Ang ibig sabihin, makakarating sa korte ang problema nila ng pageant organizer.

Ang GMA 7 ang media partner ng BPCI kaya nagsalita si Venus sa rival network ng Kapuso.

Marami ang naawa sa kuwento ng buhay ni Venus dahil lumalabas na may kinalaman ang pagiging illegitimate child niya sa pagbawi sa kanyang korona. Nakakuha ng mga simpatiya si Venus dahil hindi siya nag-iisa sa kanyang sitwasyon.

Napanood sa buong mundo ang guesting ni Venus sa The Buzz. Malay natin, baka makarating ang problema niya sa Miss Universe Organization at gumawa ito ng aksiyon.

Na-publish sa mga diyaryo sa ibang bansa at ibinalita sa CNN ang pagbawi sa korona ni Venus. Im­posibleng hindi makaabot kay Donald Trump ang kanyang predicament. Si Donald lang naman ang big boss ng Miss Universe Contest.

* * *

Ako ang nahirapan sa sitwasyon ni Claudine Bar­retto nang umapir ito sa Showbiz Central noong Linggo para i-promote ang show niya sa GMA 7.

Hirap na hirap si Claudine sa pagsasalita at kulang na lang na matabunan ng kanyang buhok ang mukha niya na namamaga.

Hindi ko narinig ang explanation sa pamamaga ng face ni Claudine. Nabasa ko lang na may allergy siya.

Kung anuman ang dahilan ng pag-alsa ng muk­ha ni Claudine, sure ako na magiging ma­gandang-ma­ganda siya kapag nag-goodbye na ang pama­maga. Isa lang ang masasabi ko, mata­pang na girl si Claudine!

* * *

Nanghihinayang ako dahil hindi ko napanood ang guesting kahapon ni Atty. Adel Tamano sa Uma­­gang Kay Ganda.

May nagkuwento lang sa akin na si Papa Adel ang special guest kahapon ni Anthony Taberna.

Kumakandidatong senador si Papa Adel sa ilalim ng Nacionalista Party ni Senator Manny Villar at suportado ni Dra. Vicki Belo ang kanyang pagtakbo.

Nagbakasyon si Mama Vicki sa Maldives noong Holy Week. Hinihintay ko lang ang kanyang pag­dating para matuloy na ang matagal nang binabalak na presscon niya para kay Papa Adel.

vuukle comment

ADAM CAROLLA

ADEL TAMANO

ANTHONY TABERNA

CLAUDINE

CLAUDINE BAR

DONALD TRUMP

KANYANG

NIYA

PAPA ADEL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with