^

PSN Showbiz

Reklamo ng mga alaga sa talent manager isa-isa nang naglalabasan

PERUSE ME - Ronnie Carrasco -

Lingid sa kanyang kaalaman, paboritong paksa sa pinaglilingkuran niyang TV network ang female manager na ito. Kung tutuusin, mas kilala siya sa ibang larangan, nagkataon lang na nakatisod siya ng ekstrang pagkakakitaan sa pamamagitan ng talent management.

Ang kaso, dumarami na ang mga reklamo laban sa kanya, kabilang na rito ang isang all-female group na kamakailan ay nagsumbong na tungkol sa kanilang mga kinikita na hindi napupunta sa kanila at exact figures.

May nakaambang na demanda rin laban sa manager na ito mula sa isang solo artist na umano’y hiningian niya ng malaking halaga with a promise of numerous TV guestings on the pretext na walang bayad ang mga ’yon, gayong may talent fees naman pala.

Lately ko lang din nalaman na nawala na pala sa poder ng manager na ’yon ang isang sikat na singer. Problema rin umano sa unpaid talent fees ang inire­reklamo ng mang-aawit, na mabuti na lang at hindi na niya ipinaabot sa korte ang usaping ’yon. If collec­ted, aabot din sa milyong piso ang umano’y nakulim­bat ng manager.

Isa-isa nang naglilitawan ang mga reklamo laban sa manager na ito, hope she won’t take such com­plaints sitting down… or dancing?

* * *

Mataas na kung tutuusin ang halagang isang libong piso bilang “talent fee” ng noo’y hindi pa artistang boylet na toast of the gay community sa ka­ni­lang lugar. Siguro, kina-capitalize niya ang kanyang apelyido that rings a bell, mula sa angkan ng mga rich and famous.

Ngunit hindi porke’t artista na ang produkto ng isang search, pahinga na siya sa pagpapahada sa mga bading. Sa katunayan, it’s still business as usual for the young actor. Pero lowest na ang 10 thou ngayon sa kanyang presyo.

Clue: Dating nali-link ang boylet sa anak ng isang mahusay na aktres. Kaapelyido (o kamag-anak?) niya ang isang magaling na mambabatas.

* * *

Marami ang humanga kay Senator Jinggoy Es­tra­da sa kanyang panawagan nang mag-rally ang kanilang partido sa Cebu kamakailan. Kilalang maka-oposisyon si Jinggoy, pero ang publicly per­ceived to be an ally of the administration na si Gil­bert “Gibo” Teodoro ang ipinanawagan niyang iboto ng mga taga-Cebu kung hindi susuportahan ng mga ito ang kumakandidato rin sa pagka-pre­sidente na ama niyang si Joseph Estrada.

May ibinigay na mga katangian si Jinggoy in support of Gibo, hindi alintana ng senador on which political side of the fence ang kinabibilangan nito. For many, nakakabilib si Jinggoy na hindi tumitingin sa partido, kundi sa inaakala niyang kapasidad ng kan­didato. Higit doon ang pagsasakripisyo sa sarili nilang interes na mag-ama alang-alang sa ika­uunlad ng bayan.

Ang matalik na kaibigan ni Jinggoy na si Senator Bong Revilla ay dinadala rin ni Gibo (maging nina ex-President Estrada at Senator Manny Villar).

BONG REVILLA

CEBU

GIBO

ISANG

JINGGOY

JINGGOY ES

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with