Showbiz na nanay naging mentor ng mag-aartistang anak
Hindi pa naman siguro nakakalimutan sa local showbiz ang pangalang Jenny Varga. Late ’80s nung gumawa siya ng mga hindi malilimutang pelikula tulad ng Case of Honor at Cruel Horizon na parehong second lead ang role niya at pareho ring ipinalabas ang mga pelikula internationally. Bago ito, naging leading lady siya ni Mohammad Faizal sa kanyang unang pelikula, ang Jolo: No Man’s Land nung 1985. Ten years after, leading lady naman siya ni Dolphy sa Abracadabra.
Bago nag-artista si Jenny, naging runner-up siya sa Miss Philippines Pacific. Hindi kataka-taka kung bakit ang 13-year-old daughter niyang si Angela Janine o Jey ay sumasali na rin sa mga school beauty pageants sa elementary pa lamang. Hindi naman siya pinipigilan ng kanyang ina dahil magandang experience ito para sa anak. Hindi lamang lumalawak ang mundo ng bata, nae-enhance pa rin ang personality nito. For a 13-year-old, parang dalaga na kung kumilos si Jey.
After more than a decade, nagbabalik sa showbiz si Jenny. At marahil kung hindi dahilan sa kanyang anak na si Jey na nagsisimula nang gumawa ng kanyang landas sa showbiz, hindi marahil maeengganyo si Jenny na balikan ang trabahong iniwan niya. Isa na siyang matagumpay na mangangalakal (businessman) at malalaki na ang tatlong anak niya na ang pinaka-bunso nga ay si Jey.
“Andun pa rin naman ang passion. Natulog lang because of my priority sa family ko. At saka lately lang naman nagiging inquisitive si Jey tungkol sa trabaho na iniwan ko at pino-pursue niya ngayon. Sa akin siya madalas magpaturo kung paano iarte ang maraming emotions. And I feel hindi ko pa rin naman nakakalimutan kung paano magalit, maging masama, matakot, maging malungkot kahit wala sa harap ng kamera.
“Kapag nanonood ako ng sine o kaya TV, naiinggit ako kapag nakikita ko ’yung mga dating kasamahan ko na lumalabas bilang nanay ng mga bagets na artista ngayon. Feel ko kaya ko rin ’yung ginagawa nila if given the chance. If not, sasamahan ko na lang ang anak ko,” sabi ng napakaganda pa ring nanay na hindi nahihiyang aminin na 45 years old na rin siya.
* * *
Very proud naman si Jey sa kakaunting na-achieve ng kanyang mom bilang artista. Hopeful siya na mas malaki ang ma-achieve niya, kung magsisipag siya.
“She has been a good mom to us, her three children. Maganda ang buhay namin, nakakapag-aral kami sa magagandang schools, nabibigyan ng konting luho. Pero ang pinaka-importante, suportado niya ang kagustuhan kong mag-artista din. Katunayan, she enrolled me sa Star Magic Teens Acting Workshop para raw mahasa kung anumang artistic talent meron ako. Nakapasok din ako sa Center for Pop Philippines dahil kumakanta ako, para raw matuto ako ng tamang pagkanta. I play the guitar, drums, I act, dance, and sing. Sana makatulong ito para matupad ang dream ko na maging artista. I wanted to join PBB Teens pero, napagsarhan ako ng audition. I’ll try again next time,” sabi ni Jey.
* * *
Pukpukan ang ASAP at Party Pilipinas. Pero ang pressure feel mo ay nasa huli dahil sila ang humahamon sa matagal nang namamayani sa noontime Sunday TV na ASAP. Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Janno Gibbs, at Jaya topbill Party Pilipinas pero naroroon pa rin sa ASAP ang sangkatutak na malalaking Kapamilya stars matangi kay Mark Bautista na lumipat na.
Panahon lamang ang makapagsasabi kung sino ang lalamang between the two musical programs. Laban-laban na!
* * *
Congrats kay German Moreno, mabilis ang pag-angat ng career ng kanyang alagang si Jake Vargas. Kailangan lamang maturuan ito na magkaroon ng self-confidence dahil marunong naman itong umarte at kumakanta pa pero bakit parang andap ito kay Joshua Dionisio?
Dapat ding masabihan ito not to wear his heart on his sleeves. Maaaring may malubhang karamdaman ang kanyang ina, pero ’di dapat makita ito sa mukha niya, sa kilos niya. Nakakapigil ito sa mabilis na pag-asenso niya.
Sayang ang mukha, ang talent ni Jake kung kaya pala siyang igupo ng mga negatibong bagay tulad ng kalungkutan, pagiging mahiyain, at kawalan ng tiwala sa sarili.
- Latest