^

PSN Showbiz

Georgina nagtatakbo sa Bangkok nang masalubong ang mga nagpoprotesta

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

May bagong show na kinalolokohan ang mga kasambahay ko, ang Face to Face ni Amy Perez sa TV 5.

Type na type nila na panoorin ang pag­sasa­bunu­tan at pagtatalakan ng mga bisita na pinag­haharap ni Amy.

Masang-masa kasi ang concept ng show ni Amy kaya hindi na ako na-shock nang makita ko na aliw na aliw sa panonood ang aking mga kasambahay.

Kung gusto ninyo na makakita ng mga eksena na nagsasabunutan at nagmumu­rahan, watch ninyo ang nakakaloka na morning show ni Amy. Nakakaloka talaga!

* * *

Bukas na pala ang Universal Studios sa Singa­pore at napuntahan na ito ng ibang staff member ng Startalk.

May kalaban na ang Hong Kong Disneyland sa mga amusement park na dadayuhin ng mga Pilipino.

Kesa mag-apply ng US visa para maka­pa­masyal sa original Universal Studios, pupunta na lang ang mga Pinoy sa Singapore. Mas malapit na, makakatipid pa sila sa gastos.

* * *

Back to normal ang lahat dahil tapos na ang mahabang bakasyon. Nag-umpisa na uli sa pangangampanya ang mga kandidato kaya maingay na naman ang mga kalye.

Wala pang malaking showbiz news dahil nag-behave rin ang mga artista. Nagpahinga rin sila mula sa mga intriga at kontrobersiya!

* * *

May hinihintay ako na big news. Kung ano, hin­di ko pa rin alam pero sumumpa ang aking ka­u­sap na ako ang unang makakaalam sa ma­laking balita na sinasabi niya.

Nag-promise ang aking source na malalaman ko ang big news sa linggong ito at promise, may-I-share ko sa inyo kung anuman ’yon!

* * *

The who si Adam Carolla? May nagkuwento sa akin na nilait-lait ni Adam si Manny Pacquiao at ang ating bayan.

Hindi ko pa naririnig ang mga panlalait ni Adam na isa raw broadcaster sa Amerika. Bago ako mag-react, kailangang marinig ko muna ang mga pang-ookray niya kay Manny at sa mga Pilipino. Mahirap sumawsaw sa isang isyu na wala akong enough knowledge. Saka isang Adam lang ang kakilala ko, ang Adam na dyowa ni Eve!

* * *

Nasalubong pala ng grupo ni Georgina Wilson ang mga Thai na nag-rally sa commercial district ng Bangkok noong Linggo.

Nagkataon na nasa Bangkok si Georgina at ang kanyang friends nang maganap ang malaking kilos-protesta. Rarampa sana sa mall ang grupo ni Georgina pero nagtatakbo sila nang makasalubong nila ang mga nagpoprotesta.

Wala pa akong balita sa tao na nag-promise na papasalubungan ako ng mangga mula sa Bangkok. Hindi ko alam kung nakabalik siya sa Pilipinas dahil ang hotel na tinuluyan niya sa Bangkok ang isa sa mga pinaligiran ng mga protesters.

vuukle comment

ADAM CAROLLA

AMY PEREZ

GEORGINA

GEORGINA WILSON

HONG KONG DISNEYLAND

SHY

UNIVERSAL STUDIOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with