700 Club may Christian horror movie
MANILA, Philippines - Isang Christian horror movie mula sa The 700 Club Asia? Meron at pinamagatan itong Tanikala: Ang Ikalawang Libro, isang indie film na ginawa para sa telebisyon, partikular na ng grupo ng CBN Asia. Pero hindi basta katatakutan lang, naglalarawan ito ng mga turo ni Hesus, ng pagpapagaling, at ng kapangyarihan ng panalangin.
Ang Tanikala ang espesyal na presentasyon ng The 700 Club Asia na eere sa GMA 7 ngayong Huwebes Santo. Ito ay klasikong good-versus-evil plot na idinirek ni Paolo Tesico.
“We want to deliver a specific message that everyone needs Christ and He is actually the center of the film,” sabi ng direktor. “Through Tanikala, we want to proclaim God’s word and the ministry of inner healing and deliverance.”
Ang unang libro ng Tanikala ay unang isinagawa para lamang sa maiksing segment ng show hanggang mabigyan ito ng approval na gawing one-hour TV special matapos mapanood ng 2.7 million viewers noong nakaraang taon, Biyernes Santo.
Ang mga bida sa Tanikala: Ang Ikalawang Libro, na umiikot sa kuwento ng duwende, ay sina Sheena Halili at Mike Tan at mapapanood ito ngayong Huwebes, 5 p.m., sa GMA 7.
* * *
Ihahatid ng GMA 7 ang rewind ng mga top-rating shows na First Time, American Idol, Wish Ko Lang at iba pa ngayong Huwebes Santo, April 1.
Muling matutunghayan si Bossing Vic Sotto sa Enteng Kabisote ng 12 nn. Susunod si Da King Fernando Poe, Jr. ng 1:30 na magpapabilib naman sa 1987 blockbuster hit na Batas sa Aking Kamay.
Papasok ang Wish Ko Lang ng 3:00 p.m, tampok ang piling episodes na umantig at tumatak sa mga puso ng Pilipino.
Susunod ang pinakabagong tinitilian ng bayan, ang First Time ng 4:00 pm.
Pag patak ng 5:00 p.m ay maghanda namang mangilabot sa Tanikala 2.
Kakaibang talento naman ang matutunghayan sa pinakamalaking music search sa mundo, ang rewind ng American Idol Season 9 na magsisimula ng 6:00 p.m.
Mapuputol ang kantahan pansamantala para magbigay-daan sa Obra ni Sunshine Dizon sa kanyang pagganap bilang isang tomboy na ina.
Pagkatapos ay babalik ang American Idol Season 9 ng 8:00 p.m.
Samahan si Richard Gutierrez na libutin at pag-aralan ang mga natatagong bahagi ng ating perlas ng Silangan sa Planet Philippines, na magsisimula ng 9:00 p.m.
Pidol’s Wonderland, palabas na sa Easter Sunday
Magandang family offering ang hatid ng TV 5 ngayong Easter Sunday where the King of Comedy rises dahil simula na ang weekly fantasy and comedy series na Pidol’s Wonderland, isang koleksiyon ng mga wonderful stories para sa buong pamilya, as told by no other than Dolphy bilang ang very funny and endearing na si Mang Pidol.
Hatid ng Pidol’s Wonderland ang kuwento ng mga paborito nating mga alamat, pabula, kuwentong-bayan, epiko, at kung anu-ano pang fantasy at orihinal na mga kuwento na siguradong mae-enjoy ng mga bata at ng buong pamilya.
Isang curio shop owner sa Maynila si Mang Pidol kung saan kasama niya ang mga anak niyang sina Bart (played by Vandolph Quizon) at Panyong (Epi Quizon), ang manugang niyang si Jenny, at ang apo niya na si Baby VJ.
Sa shop madalas nagaganap ang mga pagkukuwento ni Mang Pidol, na siyang dinadaluhan naman ng mga makukulit nilang kapitbahay—ang mga barberong sina Samson (played by Brod Pete) at Adonis (played by Long Mejia), ang may-ari ng panaderya na si Brigit (played by Joy Viado), at ang assistant nitong si Lyla (played by Arianna Barouk).
Alamin iyan sa Linggo ng pagkabuhay ng komedya sa April 4, as Mang Pidol begins to treat his viewers to a weekly dose of humor, light drama, adventure, romance, and fantasy sa Pidol’s Wonderland, mapapanood na tuwing 6:30 p.m. on TV 5.
Panata sa life and style...
Tuwing dumarating ang Mahal na Araw ay iba-ibang kaugalian ang ginagawa ng mga Pinoy sa Luzon, Visayas, at Mindanao.
Sa Life and Style with Ricky Reyes ngayong Linggo, alas-diyes hanggang alas-onse ng umaga sa QTV-11, ay ipakikita ang mga paraan ng pagsasakripisyo ng mga Pinoy para kay Jesus Christ na namatay sa krus sa Biyernes Santo at nabuhay muli sa Linggo ng Pagkabuhay.
Mayroong pagbabasbas ng palaspas kapag Domingo de Ramos, alay-lakad nang nakayapak sa Antipolo, Visita Iglesia sa mga Simbahang Katoliko, pabasa ng Bibliya, senakulo o pagsasadula ng Buhay ni Jesus, penitensya, at pagpapako sa mga deboto sa krus tulad ng ginawa kay Jesus. Siyempre pa, may salubong ng Birhen at ni Jesus at Easter Egg Hunt para sa mga bata sa Pasko ng Pagkabuhay.
“Tayo ang nangungunang Bayang Katoliko sa Asia at dahil sa ating mga kakaibang kaugalia’y maraming turista ang itinitiyempo ang kanilang bakasyon sa Holy Week,” pahayag ng host-producer na si Mader Ricky Reyes.
Abangan din ang Great Hair Day na ang narrator ay si Regine Tolentino habang ginagawan ni Mader RR ng make over magic ang kanyang mga female models.
Lahat ito tuwing Linggo nang umaga sa nag-iisang life style show ni Mother Ricky.
- Latest