^

PSN Showbiz

Mas priority ang career, Sunshine ayaw pang magka-baby; Rhian aminadong nagba-buckle sa 24...

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Nakita ni Rommel Gonzales si Judy Ann Santos nang bumisita sa taping ng birthday presentation ng mister niyang si Ryan Agoncillo sa Talentadong Pinoy ng TV5. Tsika ni Rommel, malaki na ang tiyan ng aktres who is three months pregnant.

Kasama palang dumalaw ni Judy Ann sa taping ng Talentadong Pinoy si Sarah Geronimo at galing sila sa shooting ng Hating Kapatid ng Viva Films sa may SM North EDSA ang location. Sa Skydome ng mall ang taping ng Talentadong Pinoy.

Sa tweet ni Ruffa Gutierrez, 30 minutes nag-stay ang dalawa. Sabi nito: “Guess who surprised us tonight? Judy Ann n Sarah. They came from shooting n passed by to watch the show. Judy Ann n Sarah are superstars but so unaffected, so talented, such sweet, humble ladies with big hearts. Let’s make their film a BLOCKBUSTER!”

* * *

First time naming nakita ang husband ni Sunshine Dizon na si Tim Tan sa taping ng Easter Sunday presentation ng Party Pilipinas sa Araneta Coliseum last Tuesday evening. Nanood ito kasama ang mom ng aktres na isa sa mga hosts ng show.

Matutuwa si Sunshine sa comment ng mga nakakita sa husband niya na kahit nakatalikod ay guwapo raw at ang tangkad-tangkad. Sa Sunday sa Showbiz Central, live na mai-interview ang aktres tungkol sa secret wedding nila ni Tim at mga plano nilang dalawa.

Ang tsika sa amin, gusto nang magka-baby ni Tim, pero ayaw pa ni Sunshine dahil may nine months pa siya sa kanyang culinary studies at gusto niya itong tapusin na ’di siya preggy at baka matuloy ang pasok niya sa isang show ng GMA 7.

Kung dati’y sa Boracay nag-Holy Week si Sunshine, ngayon ay sa Guagua, Pampanga na, sa hometown ng mister niya. Gustong makita ng lola ni Tim si Sunshine, kaya uuwi ang dalawa this Thursday at baka ilang araw sila roon.

* * *

Masaya at party mood ang taping ng Easter Sunday presentation ng Party Pilipinas at kahit Holy Tuesday, ang daming tao at feeling namin, handang magyugyugan ang nanood, lalo na ang mga bagets at pinapalakpakan ang lahat ng mga production numbers na inihanda ng show.

Ang episode sa Araneta Coliseum ang kick off ng roadshow presentation ng Party Pilipinas at balita namin, ang susunod nilang episode ay sa SMX ang taping sabay ng trade launch ng GMA Network. Dadalhin din ang show sa mga key cities ng bansa at binanggit sa amin ang Dagupan, Cebu, Davao, at iba pang parte ng Pilipinas.

Muling nagpakita ng husay sa pagsayaw si Mark Herras at kung sa pilot episode ay lumipad ang Glam Girls, sa second episode ay tumuntong sila at ang ganda ng dating nito sa screen. Dumating din ang Japan-based na si DJ Kane na gumawa ng theme song ng Party Pilipinas with Janno Gibbs. Itinuro sa audience ang accom­panying dance steps ng theme song na marami na ang nakaka-LLS o Last Song Syndrome. 

Sinisigawan talaga ang XLR8 at rakrakan to the max ang ginawa ng Bamboo, Chicosci, at Kamikazee. Ang daming production numbers, paano kaya magkakasya ’yun?

* * *

Sa Hong Kong magho-Holy Week si Rhian Ramos, from April 1 to 5 sa Crown Colony with her sister and people from Bellhouse na producer ng kanyang album. Habang nasa HK, ’di raw siya titigil hangga’t hindi nakakasakay sa rollercoaster sa Ocean Park.

Samantala, na-tweet ni Rhian ang pagba-buckle niya sa pagpi-pinchhit kay Pia Guanio sa Chika Minute ng 24 Oras.

Ang tweet: “Let’s see if I can win you back on Wednesday when I do it again. I was the same with Claudine Barretto during the Bb. Pilipinas pre-pageant night. I wanted to meet her before continuing the show. Hahaha…freaked out during 24 Oras earlier…I’m such a Mel Tiangco fan girl…ugh! I was like ‘someone shoot me and report my death.’

Sinundan niya ito ng isa pang tweet na “Watch me stu-stu-stutter on 24 Oras.”

Sana nga hindi na nagka-bakel-bakel si Rhian gaya ng first night niya sa news program.

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

CHIKA MINUTE

CLAUDINE BARRETTO

EASTER SUNDAY

HOLY WEEK

JUDY ANN

PARTY PILIPINAS

TALENTADONG PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with