^

PSN Showbiz

Dennis at Jennylyn magkasama sa Cebu?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Kasama pa rin si Dennis Trillo sa Party Pilipinas, pero semi-regular na lang ang labas nito o twice a month. Ito ang napag-usapan ng kam­po ng aktor at ng mga taga-Party Pilipinas.

Walang publicity photo si Dennis at wala rin siya sa TV plugging ng show dahil after the shoot at pictorial ng Party Pilipinas na lang nito tinanggap ang offer na mag-semi regular siya sa show.

Hindi pa namin natatanong si Dennis sa tsikang nagka­kamabutihan sila ni Jennylyn Mercado mula nang magkasama sa Gumapang Ka Sa Lusak, nag-deny na si Jennylyn, nali-link daw sila dahil magkasama sa show. After niyang mag-deny, nakita silang magkasamang nanood ng basketball sa The Arena sa San Juan City, after Party Pilipinas. Nasa Cebu si Jennylyn this Holy Week, ‘di kami magugulat ‘pag nalamang pumunta rin sa Cebu si Dennis?

* * *

Suut-suot ni Aljur Abrenica sa performance niya sa Party Pilipinas ang Cha­rriol bracelet na isa lang sa mga birthday gifts sa kanya ni Kris Bernal, ka-love team niya sa The Last Prince. Sa birthday concert niya, kung saan isa sa mga special guests ang aktres nito ibinigay ang bracelet, pero nauna nang ibinigay ang dalawang polo na gift din nito sa kanya.

Bukod sa mga regalo ni Kris, nakatanggap pa si Aljur ng birthday cake na ang décor ay mala-The Last Prince, kaya happy siya sa nakaraan niyang birthday at wish nitong magpatuloy ang magandang takbo ng kanyang career.

Dahil pala sa naging karanasan ni Aljur sa Holy Week last year, ayaw na niyang sabihin kung saan siya magpupunta this Holy Week, pero na­banggit na niyang sa Hong Kong sila pupunta ng family niya. May senior moment na kaya si Aljur?

* * *

Isa ang dance showdown nina Mark Herras at Fusion sa nagus­tuhan namin at ng viewers sa pre­miere telecast ng Party Pilipinas. Tingin namin, sa number na ‘yun lang muling lumabas ang hu­say magsayaw ni Mark at sabi’y every week may dance number si Mark sa show.

Pero hindi lang si Mark ang narinig naming kinongratulayt ni Fusion, para sa lahat ang “good job guys” na narinig naming sinasabi nito after every production number.

Na-miss namin ang SH3 na binubuo nina Chynna Ortaleza, Ryza Cenon, at LJ Reyes na pa­wang magagaling magsayaw. Naniniwala pa rin kaming dapat silang kasama sa show at dapat bigyan ng chance na makilala ang grupo. 

* * *

Ilang araw ding makakapagpahinga ang First Five ng StarStruck V sa Mahal na Araw. Uuwi sa Davao sa Huwebes si Steven Silva para doon mag-Holy Week at uuwi sa Cebu si Diva Mon­telaba. Si Sarah Lah­bati ay sa bahay lang nila mag-stay, ganundin si Rocco Nacino na ba­bawi ng tulog at si Enzo Pineda, baka natuloy sa Boracay.

Napansin pala naming hindi na masyadong close sina Diva at Steven mula nang mag­de­sis­yong isantabi muna ang feelings nila sa isa’t isa at mag-focus sa career. Nagka-iyakan ang da­lawa sa kanilang pag-uusap.

* * *

Sa The Last Prince, tatanggapin ni Lara (Kris Bernal) ang alok na kasal ni Almiro (Aljur Abrenica) at masayang-masaya ang dalawa. Gustong isama ni Almiro sa Paladino si Lara, pero hindi maiwan ng dalaga ang kanyang pamilya.

vuukle comment

ALJUR

ALJUR ABRENICA

ALMIRO

CEBU

HOLY WEEK

KRIS BERNAL

LAST PRINCE

PARTY PILIPINAS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with