Regine kontra sa 'pamumulitika' ni Ogie
Nabanggit ni Regine Velasquez sa mga press na sumaksi sa pagsisimula ng Party Pilipinas nung Linggo sa GMA 7 na talagang hindi siya nag-eendorso ng mga political candidates pero katulad ng pagbabago ng panahon, feel niya ngayon na kailangan na niyang makilahok, ma-involve. Hindi niya palaging madi-distansya ang sarili sa mga pulitiko. Meron siyang tinutulungang pulitiko ngayon at marami na ang nakakaalam kung sino siya. Kasama siya sa TV infomercial nito.
Samantala, sinabi ni Regine na may mga kumukumbinsi na kay Ogie (Alcasid) na pumasok sa pulitika at napag-uusapan na rin nila ito.
“Kung ako ayaw ko, pero hindi ko naman siya puwedeng pigilan dahil siya yun, desisyon niya yun. At alam ko rin naman na gagawa siya ng mabuti pero puwede rin naman siya tumulong kahit wala siya sa pulitika. Ang magagawa ko na lang siguro ay suportahan siya, if ever,” sabi niya.
Katulad ng bakasyon nila ni Ogie ngayong Mahal na Araw, hindi rin siya magtatrabaho sa birthday niya. Magpapahinga siya.
“Nakakapagod yatang magtrabaho sa Diva, umaarte ka na kumakanta ka pa. Tapos involved pa ako sa pag-iisip ng mga kantang babagay sa mga eksena. Kung sa soap, nababakante ang singing voice ko, dito sa Diva kumakanta ako. At live ang singing sa Diva.
“Wala na akong mahihiling pa sa birthday ko. Lahat ibinigay na sa akin. Siguro pasasalamat na lamang ang gagawin ko,” dagdag pa niya.
* * *
Inamin naman ni Rocco Nacino na nahihirapan siya sa Gumapang Ka Sa Lusak. Talagang nage-effort siya na mapabuti ang kanyang acting dahil maganda ang ibinigay sa kanyang role. Anak siya ni Michael Sandico na magkakagusto kay Jennylyn Mercado.
“Na-stress ako, kinabahan dahil first time ko at alam kong malaki ang expectation sa akin ng lahat. Sana hindi ko sila mabigo,” sabi ng finalist sa Starstruck 5 na regular nang mapapanood sa Party Pilipinas.
* * *
Kahit pala Holy Week, may trabaho sina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Holy Monday pa lamang ay tumulak na sila patungong Benguet para sa shoot ng You To Me Are Everything.
* * *
Tumulak na ang grupo nina Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, Sam Milby, Bea Alonzo, at Pokwang papuntang US para sa nakatakdang Heartthrobs Tour. Sumunod na lamang sa kanila sina Kim Chiu, Gerald Anderson, at Richard Poon.
Unang leg ng kanilang palabas ay naganap nung Marso 26 sa Gateway Theater sa Chicago. Kinabukasan, nasa San Jose Event Center sila; March 28, San Diego Civic Center. Ngayong araw na ito, nasa Manhattan Center sila sa New York. Sa April 3, Heritage Forum, Anaheim at sa Will Rogers Memorial Center, Dallas, Texas sa April 4.
- Latest