Nikki nagka-career dahil kay Billy
Magkakaroon ng reunion ang ilan sa mga artista ng Gimik, the Movie at magaganap ito sa Your Song Presents ng ABS-CBN. Umuwi pa mula sa States ang ilan sa mga original cast ng pelikula para lamang gawin ang TV version ng movie tulad nina Bojo Molina at G Toengi. Ang ilan pa sa kasama sa Your Song Presents Gimik ay sina Mylene Dizon, Diether Ocampo at Judy Ann Santos. Sa updated version, kasama si Jesse Mendiola.
Nauna nang napapanood si Jesse sa Kung Tayo’y Magkakalayo. Maganda ang role ni Jesse sa Kung Tayo’y Magkakalayo bilang girlfriend ni Coco Martin. When asked kung magkakaroon sila ng kissing scene ng actor ay natawa lamang ito, kinilig.
“Hindi ko alam. But if ever, wala namang problema, napaka-gentleman ni Coco, ang galing pang umarte. Nagkakandahirap na ako sa pag-aaral ng mga gagawin naming eksena pero siya, pa-easy easy lang. Yun pala alam na niya ang gagawin niya, napag-aaralan na niya bago pa siya dumating sa set. Ang galing niya talaga!
“Biggest break ko ito. May ilang proj-ects na rin akong ginawa pero dito lang ako napansin. Paglabas ko ng bahay, ang tawag sa akin ng mga tao ay Cristina, name ng character na ginagampanan ko sa series,” anang magandang baguhan na nakasama sa birthday presscon ng Star Magic para sa lahat ng mga artists nila na isinilang sa buwan ng Marso na hindi alam kung bakit kasama siya sa ipina-presscon eh sa December 3 pa naman daw ang birthday niya.
* * *
Ang pinakasikat na pelikula ni Reese Witherspoon na Legally Blonde ay gagawin sa entablado tampok ang mga Star Magic artists na sina Nikki Gil bilang Elle Woods, Nyoy Volante at Guji Lorenzana. Ipalalabas ito sa darating na June 25.
Mukhang suwerte ang inihahatid ng relasyon ni Nikki kay Billy Crawford. Bukod sa nabigyan siya ng isang napakagandang break sa The Red Shoes, isang indie film, inaasahang tatatak na naman ang performance niya sa Legally Blonde.
- Latest