^

PSN Showbiz

Sunshine hindi tanggap ng pamilya nang asawa

PERUSE ME - Ronnie Carrasco -

Lunes Santo ngayong araw na ito para sa mga Kristiyano nating mga kapatid, but as far as the Kapatid Network (TV 5) is concerned, hindi ang telang pinamunas ni Veronica sa mukha ni Hesus ang tema ng higit pa sa literal na mukha-sa-mukhang engku­wentro ang hatid ng prog­ramang Face-To-Face.

Dalawang babae sa plug ng programa hosted by Amy Perez ang halos malagas ang buhok sa isang eksena ng sabunutan, eere ito ngayong Holy Monday. Isa lang ito sa iba’t ibang kaso ng iskandalong inihahatid araw-araw ng FTF (teka may permiso ba ito ng Loca/Lobo Productions na dating program title ng nasirang Inday Badiday?).

For the cable subscribers, halaw ang FTF sa The Jerry Springer Show, isang programang noong una’y hindi ko inakalang puwedeng gawin on Philippine TV dahil sa napakaselan nitong format. It would take more than cultural disorientedness para kopyahin ang naturang American show na lantarang nagsisiwalat ng mga mababahong katotohanan ng mga buhay-buhay ng mga tao na dapat sana’y for private consumption.

To me, FTF is a barangay hall on TV with Amy as the kapitana at ‘yung tatlong experts bilang lupon. Even in a less liberated society, pasok din pala ang ganitong panoorin, blame it on most Filipinos’ penchant for neigborhood tsismis as delicious as fried galunggong with salted ripe tomatoes.

Kaso lang, huwag na nating asahan bilang viewer na magge-guest ang upper class sa lipunan para ibilad ang mga baho sa kanilang buhay. In a sense, FTF is a ‘mono-sectoral’ program for the socially marginalized echelon willing enough to broadcast their lives, utterly cheap and scandalous as they may be.

For a dear price, of course.

* * *

Pilit inaalam ni Sunshine Dizon kung paanong natunton ng Startalk ang bayan ng pamilya ng kanyang napangasawa sa Pampanga, si John Timothy Ong Tan. Taga-Guagua ang mga Tan, malayo sa impormante ng Startalk na mula naman sa bayan ng Masantol.

Pero kung bakit kilala ng Startalk source si Ginoong Felicito Tan, biyenan ni Sunshine ay dahil nakaka-jamming nito paminsan-minsan ang naturang informant. May pagkakataon pa nga raw na nagaganap ang simpleng inuman sa malawak na farm ng mga Tan.

Nu’ng una raw ay hindi na bago sa pandinig ng pamilya ni Tim ang tsismis linking the younger Tan to Sunshine, pilit nila itong pinaimbestigahan sa Startalk tipster. Gaano katotoo na nung makumpirma ng kampo ni Tim ang pakikipagrelasyon nito sa aktres ay tinutulan nila ito agad?

Kung lantaran ang pag-amin ni Mommy Dorothy Laforteza na boto siya kay Tim para sa kanyang anak, why doesn’t it seem similarly so as far as Tim’s family is concerned?

At dahil tinangka ng Startalk na hingan ng panig si Ginoong Felicito, totoo nga bang nagtatampo si Sunshine sa naturang programa?

vuukle comment

AMY PEREZ

GINOONG FELICITO

GINOONG FELICITO TAN

HOLY MONDAY

INDAY BADIDAY

JERRY SPRINGER SHOW

JOHN TIMOTHY ONG TAN

STARTALK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with