Kris ratsada
MANILA, Philippines - Oh malaking tulong naman pala ang pagsama ni Kris Aquino sa kampanya ng kapatid niyang si Sen. Noynoy Aquino, LP standard bearer sa May elections. Hindi totoong, kabawasan siya sa kandidatura ng kanyang kuya.
Base raw sa isang survey, si Kris ang may pinaka-mataas ang endorsement value sa mga celebrity na kinabibilangan din nina Sharon Cuneta, Judy Ann Santos at Sarah Geronimo.
At una niyang napatunayan ang kanyang celebrity drawing power sa matagumpay na sortie sa Zamboanga City kamakailan. Dinumog si Kris sa kanyang pagdating sa airport doon hanggang sa naganap na sortie sa plaza kasama ang kanyang Kuya Noy, pati na asawang si James Yap.
Simula noon ay binigyan na si Kris ng regular na schedule sa kampanya ni Noynoy sa mga probinsiya. Nitong nakaraang Huwebes ay sumama uli sila ni James Yap sa Ilocos Norte, balwarte ng mga Marcos at nagpapasalamat siya sa maiinit din na pagtanggap sa kanila sa Laoag at Vigan.
Ang pagpunta ni Aquino sa Laoag ay kauna-unahang pagtapak niya sa teritoryo ng mga Marcos, na napatalsik sa kapangyarihan sa pamamagitan ng people power noong 1986, mula nang ideklara nito ang batas militar noong 1972.
Lahat ng puntahan ni Kris kasama si Kuya Noy niya ay talagang dinudumog. “Sobra-sobra ang pasasalamat ko sa lahat ng mga nagmamahal sa amin,” paulit-ulit na sabi ni Kris na tuloy ang pagiging co-host sa The Buzz.
* * *
Nasa bansa na ang super idol band na U-Kiss para sa kanilang series of mall shows sa SM. Nauna na silang nag-show sa SM Megamall at SM Clark at ngayong araw, nasa SM North EDSA Annex ang grupo. Ito ay bilang paghahanda sa kanilang concert sa bansa sa darating na Hunyo.
Ang U-Kiss ay kinabibilangan nina Alexander, Kevin, Dong Ho, Eli, Ki Bum, Soo Hyun at Ki Seob. Patok ang mga kanta ng U Kiss sa mga bagets.
Mapapanood na rin ang mga music videos nila sa MYX Channel at aktibo ang kanilang Friendster account na may 52 million Pinoy members - www.friendster.com/ukiss.
Ang promo tour ng U-Kiss na ito ay inayos ni Ida Henares ng GMA Artist Center sa tulong ng Poriya F&D Co. Ang mga Philippine representatives ng Poriya ay sina Ronnie Henares at Andy Kim.
Ang top selling CD ng U-Kiss ay distributed dito sa bansa ng Universal Records.
* * *
Suwerte talaga ni Melissa “Melai” Cantiveros, ang PBB Double Up grand winner. Bukod sa bongga ang takbo ng career niya sa paglabas ng Bahay ni Kuya, may negosyo na rin agad siya ng tubig. Yup, owner na siya ng Crystal Clear Purified Drinking Water Store.
Ang nasabing package na nagkakahalaga ng Php1.5 million ay kasama na ang complete water store equipment, renovation, initial water store supplies and initial rental. At ibinigay lang yun bilang bahagi ng kanyang panalo.
Solerex Water Technologies, Inc. the franchisor of Crystal Clear Purified Drinking Water was represented by its chief operating officer Cyd Bascar na personal na ibinigay ang tseke kay Melai sa ginanap na Big Night nito.
Ang kaso, hindi pa decided ang bagong star ng Dos kung itutuloy niya ang negosyo sa kanyang pinanggalingang probinsiya - General Santos City kung saan naninirahan ang kanyang pamilya.
Anyway, pabongga ang career ni Melai.
Ang dami na niyang fans at tinitilian siya kahit saan magpunta.
Anyway, ang purified water refers to all types of water from which chemicals are removed via a variety of different processes. At ang pag-inom ng purified water detoxifies the liver and kidneys and carries away waste from the body. It does not contain sodium or trace minerals thus making you feel better, feel less bloated and help you lose weight. By simply drinking purified water, you are able to flush out toxins from your system.
To know more about the business opportunities that Crystal Clear Purified Drinking Water offers, call 642-4489, 642-2974 or email [email protected] or log on to www.crystalclear.com.ph or www.solerex.com.ph.
- Latest