Pagtatanim at pag-aani ng kape ipinadiskubre
MANILA, Philippines - Nagkaroon ng kasiyahan at naimporma pa ang mga pumunta sa tatlong araw na Nescafé Classic First Pick Li’l Beanie’s Coffee Farm na ginanap noong Marso 5-7 sa Trinoma Mall sa Quezon City.
Ipinakita sa event kung paano itinatanim at inaani ang mga coffee beans ng mga lokal na magsasaka, hanggang sa kung paano ito makararating sa hapag-kainan bilang inuming kape. Nagkaroon pa ng trivia at ilang palaro sa crowd.
Bisita sina Kuya Kim Atienza, Miss Earth 2008 Karla Henry, Myxx Dancers, Brigada, Sitti, Billy Crawford, at Christian Bautista na umaliw sa mga pumunta sa TriNoma.
Kahit sino ay maaaring sumuporta sa mga Pinoy coffee farmers sa pagbili lang ng jar ng Nescafé Classic First Pick. Mag-log on din sa www.nescafe.com.ph/firstpick para makasali sa kakaibang coffee farm experience.
“It is a simple yet special way of giving back to the coffee farmers who have worked so hard to produce the delicious and aromatic coffee that we savor everyday,” sabi ni John Miller, presidente ng Nestlé Philippines, Inc.
- Latest