Edu suko na sa showbiz!
Nakakalungkot kung tutuusin na malaman na palarin man o hindi si Edu Manzano sa kanyang bid para maging ikalawang pinakamataas na opisyal ng bansa ay hindi na niya babalikan pa ang trabaho na nagpakilala sa kanya sa mundo, at magbibigay sa kanya ng vice presidency.
Aminin man niya o hindi, malaki ang nagiging tulong sa kanyang kampanya ang kanyang pagiging artista, kung sino at ano siya bilang tao na nakikilala nila. Pangalawang konsiderasyon na lamang ang pagiging galing niya sa isang nakaririwasa at mabuting pamilya, ang pagtatapos niya ng edukasyon sa isang kilalang paaralan na simula nang makatapos siya at magkatrabaho ay walang tigil ang kanyang pagtulong.
Katulad ng La Salle Greenhills Adult Night High School na 10 taon nang tumatanggap ng kanyang tulong. Tatlong taon na ang nakararaan nang sumali sa programa ang De La Salle Santiago Zobel. Ang mga pumapasok dito ay may edad na 18 pataas. Kung may tinatanggap man na mas bata pa, ito ay depende na sa kanilang kaso at sa mga namamahala ng paaralan.
Mayroon din ditong Program for Deaf Learners na kung saan ang mga mag-aaral na may kapansanan ay maaring mag-enrol sa alin mang vocational course na nagtuturo ng mga paraan para kumita at mabuhay.
Ang klase ay mula 5:00 NH hanggang 9:00 NG. Ito ay para mabigyan din ng pagkakataon ang mga nag-aaral na makadalo sa mga klase.
Suportado rin niya ang Bahay Pag-asa De La Salle University Bacolod na nagbibigay ng edukasyon at tulong na legal sa mga minor offenders. Naniniwala si Edu na baka produkto lamang sila ng isang magulong tahanan at pamilya and with proper guidance ay maari silang maging kapaki-pakinabang sa lipunan.
Ang nakakatuwa kay Edu, ngayon lamang ito nalaman ng publiko. Nung isa pa siyang artista ay walang nababalitaan tungkol dito. Ang importante lamang ay nakapagbibigay siya ng kasiyahan sa pamamagitan ng kanyang mahusay na pagganap sa kanyang mga roles, bida man o kontrabida ay isa siyang mahusay, ang pinakamahusay at epektibong game show host.
Tanggapin man niya o hindi, hindi nakakabawas ni munti man sa kanyang karakter at personalidad kung nagsasayaw man siya sa saliw ng Papaya song.
Sinabi niyang hindi niya maisip ang kanyang sarili na gumagawa pa siya nito sa kanyang edad.
Mr. Vice Presidentiable, wala naman pong kahiya-hiya kung ginagawa man n’yo ito. I even think na maski nanalo na kayong vice president ay wala pa ring lalait sa inyo kapag nag-Papaya song pa rin kayo.
Good luck sa balak mo na pag-iiba ng landas win or lose. I just hope it will be a victory dahil marami kayong magagawa at makatutulong kayo ng malaki sa sinumang uupo bilang presidente, kahit hindi pa siya ang running mate mo.
* * *
Nag-iisip pa ba si AiAi delas Alas na lumipat ng network eh halos hindi na siya magkandaugaga sa ABS-CBN? Ang ganda-ganda pa ng exposure niya sa Pilipinas Got Talent at obviously, like ng mga manonood ang hindi niya pagiging mataray, at magaling siyang mag-judge, huh! Hindi siya nanlalait para lamang makapagpasikat.
Ganundin si Kris Aquino na hindi naman siguro mabait sa mga contestants dahil sa pulitika.
Kung meron mang puwedeng maging konting mahigpit among the judges, it’s Mr. Freddie Garcia. Can afford siyang maging not too nice. Para mapaiba sa dalawa niyang kasamahang babae.
* * *
Parang SOP pa rin naman ang magsisimulang Party Pilipinas ng GMA 7. Yun at yun din ang mga mapapanood na performers. Bagaman at pamumunuan sila ng talagang magagaling kumanta tulad nina Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Janno Gibbs at Jaya. Pero anong gagawin dun sa mga hindi puwedeng kumanta ng live?
Alangan namang pasayawin silang lahat, masyado nang marami ang dancers kesa sa mga singers.
Maganda yung gagawin nilang paglalagay sa mga bagets ng First Time. Makukuha nila ang maraming fans ng nasabing show. Let’s hope na marunong kumanta sina Joshua Dionisio at Barbie Forteza at Bea Binene dahil si Jhake Vargas, nakikita nang kumakanta sa Walang Tulugan.
- Latest