^

PSN Showbiz

Andi umamin nakipag-usap sa GMA 7; Matteo panay ang ligaw kay Sarah

-

MANILA, Philippines - At least totoong sumagot si Andi Eigenmann. Hindi na siya nagpaliguy-ligoy na aminin na totoong nagkaroon ng talks between her mom Jaclyn Jose and GMA 7.

Walang nakikitang masama si Andi sa ginawa ng mom niya dahil ang rason dinadagdagan lang nito ang option niya at nakikisimpatya lang ito sa kalungkutang nararamdaman niya nang ma-delay ang pasok niya sa Agua Bendita.

“Nagkaroon lang po ng misunderstanding sa part ng mommy ko. Siyempre nag-aalala po siya. Pero hindi naman po ako na-pull out. Nakipag-usap po ang mommy ko sa management. Akala po niya, wala silang confidence sa akin, na parang hindi ko pa kaya,” pag-amin ni Andi habang nakalubog sa pool sa Century Imperial kahapon.

Na-delay siya nang pag-ahon sa nasabing series nang pumatok ang bidang bata na si Xyriel Anne Manabat. Pero finally, mapapanood na si Andi simula ngayong gabi.

“Pero hindi ko po naisip na igi-give up ito. Desisyon ko pa rin po ang last,” dagdag ni Andi.

At least daw, nagkaroon siya ng chance na makapag-prepare sa dual role niya sa nasabing programa.

Pero aminado siyang nainip siya ng konti. “Naipaliwanag naman po nila ng mabuti kung bakit na-delay,” katuwiran nito na kontra sa maraming naglabasan na naubusan siya ng pasensiya sa paghihintay para sa kanyang launching project.

At ngayong finally ay mapapanood na siya, may napi-feel siyang pressure lalo’t nag-rate ang programa. “Sa totoo lang po, hindi ko po ma-explain yung pakiramdam na finally, lalabas na ako. Both pressures and excited po siguro. No turning back na po talaga.”

Pinag-aralan din daw niyang maigi ang bawat kilos ng batang Agua Bendita. 

Partner ni Andi dito sina Matteo Guidicelli at Jayson Abalos.

“Andi is easy to work with. Madaling pakisamahan. Aakalain mo lang na suplada siya,” sabi ni Jayson.

Habang si Matteo naman, amazed sa baguhang aktres kung paano nito hina-handle ang pressure sa kanyang bagong career.

Anyway, months na ring nakakapag-taping si Andi at so far,   pakiramdam niya, nagawa niya ng tama ang pagiging Agua at Bendita.

Nakatutok din ang kanyang ina sa lahat ng ginagawa niya ngayon.

* * *

Matigas na hindi ang sagot ni Matteo nang tanungin siya kung true na nagkakaayos na sila ni Andi. “Hindi pa po, pero sino ba namang hindi mai-in love sa kanya,” sabi ng baguhang aktor.

Si Sarah Geronimo daw kasi ang totoong nililigawan ni Matteo. At pruweba ang madalas pagsama noon pa kay Billy Crawford pag naggi-guest ito sa concert ni Sarah. At may dala-dala pa raw itong flowers for pop princess.

Walang inaaming manliligaw si Sarah, pero isang taong malapit sa kanya ang nag-sequel tungkol sa panliligaw ni Matteo. (Salve V. Asis)

vuukle comment

AGUA BENDITA

ANDI

ANDI EIGENMANN

BILLY CRAWFORD

CENTURY IMPERIAL

MATTEO

NIYA

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with