ASAP at Party P tatapatan ng PO5
Panay-panay ang plugging ng Party Pilipinas ng GMA 7 na premiere sa March 28. Wala sa listahan ng regular performers sina Dingdong Dantes at Marian Rivera, pero guests sila sa pilot. Ang sabi, magkasama sina Dingdong at Richard Gutierrez sa opening number at kung totoo, first time itong mangyayari.
Kasama na rin daw sa bagong programa ang SH3 na binubuo nina Chynna Ortaleza, Ryza Cenon at LJ Reyes. Nakarating yata sa management ang pagtatampo ng tatlo na ‘di sila isinama at baka nabahala rin na baka lumipat ang mga ito sa TV5. In-offeran din sina Regine Tolentino at Rainier Castillo, pero tumanggi raw si Regine pero si Rainier ay nasa TV5 na ngayon.
Isa sa inaabangan sa Party Pilipinas ang choreography ni Fusion. Kung Fu Hip-Hop ang dance steps na kanyang itinuturo sa lahat ng kasama sa show pati sa mga singer.
* * *
Isa sa mga shows na ini-announce sa trade launch ng TV5 kagabi ang Sunday game-musical-variety show nilang PO5 o Party On 5 na pantapat sa ASAP ng ABS-CBN at Party Pilipinas ng GMA 7. Hosts nito sina Ryan Agoncillo, Lucy Torres, JC de Vera, Alex Gonzaga at John Estrada. Kasama rin sina Rainier Castillo, Jan Nieto at ilang galing sa Philippine Idol.
Puwedeng Premyo On 5 ang ibig sabihin ng PO5 dahil sa big cash prizes na ipamimigay at pinaghalong Eat…Bulaga at Wowowee ang concept nito. Sa April 11, magsisimula ang live show ng PO5. Pare-parehong may Party ang title ng Sunday shows ng three networks, Party On 5, Party Pilipinas at All Show After Party o ASAP.
Idea ni Noel Ferrer ang title na PO5 at Paparazzi, ang showbiz talk show ng TV5 hosted by Cristy Fermin, Mo Twister, Dolly Ann Carvajal at Ruffa Gutierrez. Kasama rin si Shalala bilang voice-over announcer at taga-GMA 7 din siya.
* * *
Mabuti naman at bago maisipan ni Drew Arellano na lumipat ay binigyan na siya ng solo show ng GMA 7 at ang GMA News & Public Affairs ang kumuha sa kanya.
Host si Drew sa Sunday morning show na AHA! 10:30 a m., starting April 4. Info-loaded ang show at sa pilot episode, may kinalaman sa summer ang kanyang ire-report mula sa hot weather ng ‘Pinas, swimsuits, cloud seeding at ang Pinay na unang nag-cover sa Playboy.
Pabirong sagot na “I can swim, bike and run” ni Drew sa tanong kung ano ang edge niya kay Kim Atienza na ilang minutes makakasabay ng AHA! Hindi raw siya nakikipag-kompetensiya at gagawin lang ang trabahong ibinigay sa kanya.
* * *
Natuloy din palang lumipat sa TV5 si Rainier Castillo at kagabi, present siya sa trade launch. Two-year non-exclusive guaranteed contract ang pinirmahan ng actor with two major shows. Kasama siya sa gag show na Lokomoko U at PO5 o Party On 5 at maggi-guest sa Celebrity Edition ng Talentadong Pinoy na next week na ang taping.
Hindi naisama si Rainier sa brochure at station ID dahil last minute ang pagpirma niya ng kontrata. Kahapon lang siya nag-sign at naunang pumirma ang mommy niya last Wednesday.
Bago pumirma ng kontrata ang ina ni Rainier, kinausap daw muna nito si Ida Henares, head ng GMA Artist Center noong Monday at inalam kung may ibibigay silang show sa anak at nang malamang wala, nag-decide na itong ilipat si Rainier.
* * *
Sa Diva, mananalo si Smith (Mark Herras) sa dance showdown nila ni Marlon (Sef Cadayona). Dadalo si Paula (Gloria Diaz) sa school reunion at gulat nang makitang kumakanta si Sam (Regine Velasquez). Pagkatapos kumanta, pipilitin niya itong umuwi na.
- Latest