Bea kaaway na rin ni Shaina
‘Yan na nga ba ang nakakatakot sa isang loveteam, kapag nagsimula nang ma-in love ang pareha sa isa’t isa o maging sa iba. Worst, kapag na-in love sila sa iba!
Katulad ng balitang love ni Aljur Abrenica ang apo ng nagmamay-ari ng SM. Kung noon ngang wala pa siyang love eh, hindi na siya sweet kay Kris Bernal, kapag wala sa harap ng kamera, eh di mas lalo na ngayon.
Sayang kung mabubuwag ang loveteam nila dahil siyempre ayaw ng fans na may kapareha silang iba. Kailangan siguro, sakripisyo muna. Huwag munang ma-in love. O baka naman ready na silang maghiwalay.
Hindi na bago ang ganitong pangyayari sa showbiz. Bago naman siguro sila nagtambal, alam na nila ang dapat nilang asahan sa kanilang tandem, may dapat isakripisyo kapalit ng kanilang loveteam. Marami ngang loveteam ang mas pa rito ang gagawin magtagumpay lamang.
* * *
Sina Bea Alonzo at Shaina Magdayao naman daw ang hindi nagkikibuan dahil kay John Lloyd Cruz? Ano ba naman, eh di ba mag-best friends ang dalawa? Dapat alam nila pareho ang real score sa relationship nila sa actor, si Bea bilang ka-loveteam at si Shaina naman bilang girlfriend. So saan magkakaroon ng problema?
Pati ba naman silang dalawa dapat magkaselosan?
It seems, dumami na ang kaaway ni Shaina, simula nang magkarelasyon sila ng actor. Magandang senyales ba ito? Does it mean, she against the world, against everybody?
Bakit parang lahat ay kontra sa pakikipagrelasyon niya kay JLC?
* * *
Batiin n’yo naman ako, may bago akong programa sa QTV11 na iho-host. Ito ang Pinoy Cine Klasika na pawang mga pelikulang black & white at ipinalabas nung dekada 60 ang inyong mapapanood.
I am not saying na mas magaganda ang pelikula nun but, definitely, mas nagbibigay ng aral. Dahil ang mga movies nun mas naiimpluwensiyahan ng relihiyon.
Panoorin n’yo para makita n’yo kung ano ang pagkakaiba, bukod sa kulay ng mga pelikula noon at ngayon.
- Latest