^

PSN Showbiz

Korean super band nasa 'Pinas

-

MANILA, Philippines - Bubuksan ng Premiere Entertainment Philippines, Inc. (PEP) ang summer season with a bang sa pagdadala nila ng super idol band na U-Kiss sa bansa sa unang pagkakataon para sa isang series of special mall shows na magaganap sa mga selected SM malls simula bukas, March 26 (SM Megamall, 5:00 p.m.), March 27 (SM Clark, 6:00 p.m.), at March 28 (SM North EDSA Annex, 5:00 p.m.). Ito ay may kinalaman sa gaganaping solo concert ng banda sa bansa sa darating na June.

Ang U-Kiss ay kinabibilangan nina Alexander, Kevin, Dong Ho, Eli, Kim Ki Bum, Soo Hyun, at Ki Seob. Nagsimula ang band sa Atamai, Japan — The Second Power of Atamix ’08 at ito ang nagbigay daan sa isang successful solo show sa Hamamatsucho, Japan. Mula noon, nakapaglabas na ng three singles ang super band at ang kanilang current full-length studio album na Only One, na may carrier single na pinamagatang Bingeul, Bingeul, ay mabilis na umaakyat sa mga charts ng various Asian countries. Pinarangalan din ang U-Kiss sa Asian Song Festival noong 2008 kung saan nanalo sila ng prestihiyoso at sought-after na best new artist award.

Ang U-Kiss members na sina Kevin at Alexander ay napili bilang VJs para sa Pops in Seoul ng Arirang habang si Dong Ho naman ay miyembro ng the Unrivalled Baseball Team. Ang “star gene” naman ay bahagi na ng pamilya ni Kim Ki Bum dahil ang kapatid niyang si Kim Hyung Joon ay sikat din sa Korea dahil miyembro siya ng isa pang phenomenal group na SS501.

Filipino fans can catch U-Kiss’ music videos sa music channel na MYX habang ang social networking website na Friendster, na may solid Filipino membership of 52 million, has put up an official fan site para sa grupo kung saan maaaring mag-interact ang mga Pinoy fans nila sa www.friendster.com/ukiss.

Ang rare promo tour na ito ng U-Kiss ay ina-arrange ni Ms. Ida Henares ng GMA Artist Center sa pamamagitan ng Poriya F&D Co. Limited chairman na si Kris Jung. Ang mga Philippine representatives ng Poriya ay sina Ronnie Henares at Andy Kim. Kaya abangan din ang U-Kiss sa kanilang espesyal na TV appearance sa bagong Sunday variety show na Party Pilipinas.

Ang pangako naman ng PEP chairman, Jung Ku Lee, simula pa lang ang U-Kiss sa maraming Korean stars na dadalhin ng kanyang kumpanya dito sa Pilipinas.

Ang CD album ng U-Kiss ay ire-release dito ng Universal Records.

ANDY KIM

ANG U-KISS

ARTIST CENTER

ASIAN SONG FESTIVAL

BINGEUL

D CO

DONG HO

KIM KI BUM

KISS

U-KISS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with