^

PSN Showbiz

Pag-iyak ni Anne wala nang silbi

- Veronica R. Samio -

Inabot ko pa rin naman na walang kulay ang black & white lang na pelikula. Ang ama ko ay PRO ng isa sa tatlong pinakamalalaking kum­panya ng pelikula nung nabubuhay pa siya kung kaya’t laman ako ng mga sinehan noon.

May kanya-kanyang forte ang mga movie companies nung araw. Ang Sampaguita Pictures ng pamilya Perez ay mga light drama at musical ang ginagawa, comedy naman at musical din ang madalas gawin ng LVN Pictures ng mga De Leon na kung saan konektado ang aking ama. Mga drama naman at action ang forte ng Premiere Productions ng mga Santiago.

Bagaman at sina Susan Roces at Romeo Vasquez ang mga idolo ko noon, gustung-gusto ko ang mga nakakatawang pelikula nina Nida Blanca at Nestor de Villa. Ang Low Waist Gang at si Lani Oteyza ang pinanonood ko sa Premiere.

Ang kawalan ng kulay ng pelikula nun ay hindi nangangahulugan ng kawalan din ng kalidad o istorya. Katunayan, halos lahat ng pelikula nun ay nagbibigay ng aral at nagpapakita ng ma­gagandang kaugalian at kultura natin. Pero kun­tento tayo dahil ang hinahanap nating en­tertainment values ay nakukuha natin.

Sa kagandahang loob ng QTV 11, mapa­panood muli ang ilan sa mga walang kulay pero klasikong pelikula na ginawa ng Sampaguita. Mga 50 pelikula ito na sumikat nung dekada 60 at matagumpay na nahanap ni Lillibeth Perez-Nak­pil, isa sa mga anak ng prodyuser ng Sampaguita na si Dr. Jose R. Perez at matiyagang nalinis at nailipat sa DVD. Mapapanood ito simula sa Abril 4, Linggo sa Pinoy Cine Klasika hosted by the Master Showman, German Mo­reno.

Bilang host ng Pinoy Cine Klasika, ibabahagi ni Kuya Germs ang kanyang mga karanasan bilang artista, writer at director nung 60s na itinuturing na makulay na taon ng Philippine Cine­ma. Ihahatid din niya ang ilan sa mga im­por­tanteng impormasyon tungkol sa mga pelikulang ipalalabas sa PCK at kung bakit itinuturing ang mga ito na kayamanan ng Filipino Cinema.

Unang mapapanood sa Abril 4, 2:00 NH ang Dance-o-Rama -pinagbibidahan nina Susan Roces at Jose Mari. Susundan ito ng Bituing Marikit nina Amalia Fuentes, Juancho Gutierrez at Dolphy sa Abril 11. Palabas naman sa Abril 18 ang Bahay Kubo Kahit Munti nina Rosemarie So­nora, Pepito Rodriguez at German Moreno at ang Beatnik sa Abril 25 starring Dolphy, Pan­chito, Susan Roces, at Jose Mari.

* * *

 Usap-usapan yung paglabas ng boobs ni Anne Curtis habang sumasayaw sa ASAP nung Linggo. Kahit nagpaka-gentleman si Sam Milby at niyakap siya para matakpan ang kanyang katawan, huli na ito, nabuyangyang na sa kamunduhan ang itinatagong beauty ni Anne. Nakatutok kasi sa kanya ang maraming lente kaya nakunan ng buong-buo ang pangyayari.

Mag-iiyak man si Anne, wala nang mangyayari. Nakita na ng lahat ang dapat ay nakatago. Wala namang dapat sisihin, isang aksidente yun. 

ABRIL

AMALIA FUENTES

ANNE CURTIS

BAHAY KUBO KAHIT MUNTI

BITUING MARIKIT

JOSE MARI

PINOY CINE KLASIKA

SHY

SUSAN ROCES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with