^

PSN Showbiz

Taray Queen nagluluka-lukahan na naman?!

PERUSE ME - Ronnie Carrasco -

In her short talk at the Mother Lily Mon­tever­de-hosted dinner for Sen. Bong Revilla, Jr. sinabi ni Lolit Solis na ang kapuri-puri sa pamilya Revilla is that it treats the entertainment press like family.

Manager ni Bong si ’Nay Lolit, his wife Lani Mercado comes in a package deal. Si Chit Ramos ang nagsilbing matchmaker nina Bong at Lani almost 25 years ago. Maging ang mga kai­bigan nina ’Nay Lolit at Ate Chit sa press have be­come the Re­villa’s close allies. Kulang na nga lang na isa sa mga Revilla ay maging reporter din, the whole clan embraces the ideals of the working showbiz press making every member of it one of the most loved in showbiz.

Hindi nalalayo ang bunsong kapatid ni Bong, si Andrea “Andeng” Bautista, married to Jun-jun Ynares, gobernador ng Rizal Province. Heavy with their second child, na­katakdang manganak si Andeng sa March 28. Ikalawang babae na nila ito ni Gov., next to Cas­sandra, pero iniisip pa nila kung ano ang ipapangalan sa second baby.

Andeng is every reporter’s friend and tsika-mate. Obviously, namana niya ang “PR genes” ng dugong Revilla. But unlike her Kuya Bong or Daddy Ramon, hindi linya ni Andeng ang pulitika, kahit pa isa ring pulitiko ang kanyang na­pangasawa.

“In my own way, tumutulong din na­man ako kay Jun-jun sa mga proyekto para sa mga kaba­baihan sa Rizal,” sey ni Andeng, na ngayon pa lang ay nais na naming i-congratulate sa isisilang niyang anak.

* * *

Kung ikinukonek kay Maricel Soria­no ang blind item tungkol sa isang ma­husay na aktres na ipina-pack up ang sariling taping dahil hindi niya nagus­tuhan ang script, panghihina­yang ang nararamdaman ko sa abut-abot pa na­mang pagbibigay-halaga sa kanya ng kanyang bagong tahanan, ang TV 5.

Una, walang dahilan para ayawan ng last min­ute ni Maricel ang script, laging bahagi ng creative deliberation ang sinumang star ng anumang pro­yekto na kadalasa’y mas marami pa ngang input kesa sa production staff nito.

Ikalawa, huwag isisi ni Maricel sa script, dahilan para walang habas lang niyang ipa-pack up ang taping in consideration of the huge budget that comes with it. Maraming paraan ng pagluka-luka­han: Catered food na hindi niya type, pero pu­wede namang magpabili ng ibang pagkain; block­ing ng director; styling; banong pag-arte ng mga co-stars niya, etc., etc.

Ikatlo, lest Maricel forget: Wala na siyang career sa kanyang pinanggalingang network (ABS-CBN), mabuti-buti na merong TV 5 na sumalo sa sising­hap-singhap niyang career. Hindi lang naman din bas­ta winelkam ng TV 5 as though naligaw siya sa Novaliches studio, nakita ng mga boss, pina­pa­sok, pinaupo sa opisina, at nilatagan ng kon­trata.

Kilalang original Taray Queen si Maricel, pero cute iyon noong bagets pa siya. But with her forty something age in a highly competitive industry, siya mismo ang dapat maunang ma-pack up, hindi ang taping.

ANDENG

ATE CHIT

BONG REVILLA

CHIT RAMOS

KUYA BONG

LANI MERCADO

MARICEL

NAY LOLIT

REVILLA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with