^

PSN Showbiz

Sa sobrang busy, Ruffa pinalagpas ang tsansa sa Hollywood movie

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Tama ang hinala naming sa Holly­wood movie na ipo-produce ni Dean Devlin, na may mga ek­senang gagawin dito, binalak mag-audition ni Ruffa Gutierrez. Dahil sa payo ni Anna­belle Rama, hindi na itinuloy ni Ruffa ang pag-o-au­­dition dahil totoo namang sa rami ng mga projects, mahihirapan siyang gumawa ng pelikula na may loca­tion abroad.

Ayon kay Ruffa, nang makausap namin sa thanksgiving mass for her brother Richard Gu­tierrez, si Miriam Quiambao na lang ang pina­pun­ta niya sa audition at nabalitaan niyang maraming Pinoy actors ang nag-audition.

Hectic ang schedule ni Ruffa dahil this month na siya magsisimulang mag-taping ng drama an­thology niya sa TV 5 at sa April 4, pilot ng Papa­razzi. Nagpu-promote pa siya ng Working Girls 2010 na showing sa April 21, at willing siyang mag-promote sa GMA 7.

Involved si Ruffa sa kanyang drama anthology at personal nitong tinawagan si Laurice Guillen para magdirek ng drama episode. Si Joyce Bernal ang di­rec­tor ng comedy episode at si Joel Lama­ngan ang magdidirek ng mala-The Devil Wears Prada episode.

Binanggit ni Ruffa sina Aga Muhlach, Robin Padilla, Cesar Montano, Ri­chard Gomez, at Sen. Bong Revilla, Jr. na puwede niyang makapareha’t walang kon­trata ang mga ito sa ABS-CBN at GMA 7. Gusto niyang mala-Mr. & Mrs. Smith ang story nila ni Robin at serial killer naman ang role ni Cesar sa episode nila. 

* * *

Sandali naming nakausap si Camille Hermoso, EP ng Bubble Gang at Pe­­pi­to Manaloto at tungkol sa sama ng loob sa kanya at sa ilang staff ng Bubble Gang ang aming itinanong.

Hindi pagsisimulan ng galit ni Francine Prieto ang sagot ni Camille na hayaan na lang ang aktres at ini­intindi na lang niya na problema nito ang may sakit na ina.

Ang alam ni Camille, na source ng muling pag­la­labas ni Francine ng galit sa kanya at ilang staff ng gag show, ay ang comment sa article ng aktres sa PEP, pero ayaw na niyang palakihin. Dedma na rin siguro si Camille sa tweet ni Francine na magiging good EP si Diego dahil mabait at maalaga sa kanya noong nasa show pa siya.

* * *

Hula namin, may problema ang sikat na aktres sa kanyang manager dahil wala ang aktres sa impor­tanteng okasyon sa pamilya ng kanyang manager.

Wala rin ang talent manager sa launching ng ba­gong en­dorsement ng aktres at ’di rin namin naririnig na binabanggit ang aktres at mga activities niya ng kanyang manager. Feeling namin, may kinalaman sa kontrata ng aktres ang isyu nila ng kanyang manager.

AGA MUHLACH

AKTRES

BONG REVILLA

BUBBLE GANG

CAMILLE

CAMILLE HERMOSO

CESAR MONTANO

DEAN DEVLIN

RUFFA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with