^

PSN Showbiz

Cristine may pinatamaang mga pekeng sweet na aktres

PERUSE ME - Ronnie Carrasco -

Sa kabila ng kanyang pagluluksa sa pagkawala ng anak, mapapanood ngayong araw si Toni Rose Gayda sa Eat Bulaga. Toni Rose lost her 27-year-old son Edward James Lim who fell to his death at dawn last Friday mula sa ika-apat na palapag ng kanilang condo unit in Mandaluyong City.

Si Toni Rose mismo ang nagsabi kay Ms. Malou Choa-Fagar of TAPE, Inc. na kung ma­aari’y magre-report siya ngayong Lunes, although her absence would have been understandable. Nito lang din kasing Sabado nag-sink in sa TV host na wala na si James, who pa­tronized whatever she cooked at home.

Nito lang napagtanto ni Toni Rose na hindi na niya masisilayan ang anak na naabutan niyang nagko-computer tuwing umaga. Wala na nga ang kanyang anak whose MP3 at the time of his death bore his mother’s picture on the gadget’s screen saver.

Samantala, nananawagan ang ama ni James, si Ginoong Moonie Lim, na tigilan na ang mga espekulasyon that his son took his own life. As common sense would have it, if James did commit suicide, ’di sana’y umakyat ito hanggang 20th floor ng gusali?

Wari’y nagi-guilty naman si Toni Rose kung bakit sinaway niya si James na huwag manigarilyo sa loob ng kuwarto nito, kundi sa balkonahe. Sa tindi ng pagkalungkot na nadarama, Toni Rose chose to keep James’ remaining cigarette sticks, hindi para sigarilyuhin kundi magsilbing alaala ng yumaong anak.

* * *

To see Bacoor become a full-pledge city, ito ang vision ni Lani Mercado para sa ikalawang distrito ng lalawigan ng Cavite kung saan tuma­takbo siya bilang congresswoman.

Hindi ito ang unang pagkakatoan na sasabak ang maybahay ni Sen. Bong Revilla, Jr. sa lara­ngan ng pulitika. Minsan na niyang pinangarap na maging alkalde noon ng Bacoor, pero hindi siya pinalad. But given the demands of her cons­tituen­cy, naniniwala siyang mapauunlad lalo ang dis­tritong ’yon.

If elected into office, hindi naman mababa­wasan ang mga “intimate moments” nila ni Bong. Na­hahanapan naman daw ng panahon ang mga pribado nilang sandali in the midst of their threatening schedule.

Ipinagmalaki pa ni Lani na silver year (25) na sila ni Bong sa isang taon, one of the most enduring showbiz couples kung tutuusin.

* * *

May post si Cristine Reyes sa kanyang Twitter account that roughly says: Akala mo mga sweet, mga slut naman.

Naka-arouse ng curiosity ang tweet na ’yon, most especially among Cristine’s TV network friends, one of whom inquired kung sino ang parti­kular na pinatatamaan ng aktres. But Cristine declined.

Maugong ngayon ang tsismis na dalawa sa mga nakakaintrigahan ni Cristine ay sina Heart Evangelista at Pauleen Luna.

Could they be the characters in Cristine’s “blind tweet?”

BACOOR

BONG REVILLA

BUT CRISTINE

CRISTINE

CRISTINE REYES

EAT BULAGA

EDWARD JAMES LIM

SHY

TONI ROSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with