Kris missing sa station ID ng Kapamilya; Bilbil ni Angelica, umaalug-alog
SEEN : Ang text message mula sa direktor na si Brillante Mendoza: Brillante Mendoza’s LOLA wins Harimaguada Golden trophy, Ex Aequo best actress for Anita Linda and Rustica Carpio, best photography to Odyssey Flores at the Las Palmas International Film Festival in Spain.
SCENE : Dinala ng ABS-CBN management sa Boracay ang mga advertisers ng kanilang network.
SEEN : Tumanggi si Angelica Panganiban na magpa-interbyu sa TV crew ng ABS-CBN na nakakita sa kanya sa Boracay.
Nairita ang TV crew dahil nakatutok na ang kanilang camera nang bulungan sila na hindi puwedeng magpa-interview si Angelica.
SCENE : Iniuwi nina Rosa Rosal at Toni Rose Gayda sa kanilang condo unit noong Sabado ng gabi ang urn na kinalalagyan ng abo ni Edward James Lim, ang 27-year-old son ni Toni.
Nahulog si James mula sa veranda ng 4th floor ng kanilang condo unit noong Biyernes nang madaling-araw.
SEEN : Hit na hit si Christian Bautista sa kanyang show sa Pattaya, Thailand dahil popular dito ang kanyang old hit song na The Way You Look at Me.
SCENE : Ang Pinoy na Pinoy at magandang summer station ID ng ABS-CBN. Missing sa station ID sina Willie Revillame, Kris Aquino, Gabby Concepcion, at Lorna Tolentino.
SEEN : Umaalug-alog ang bilbil ni Angelica Panganiban habang sumasayaw siya sa launch kahapon ng ABS-CBN summer station ID.
SCENE : Two hundred houses ang ipinangakong donasyon sa Gawad Kalinga ng Spanish singer na si Julio Iglesias.
May concert ang veteran singer sa Araneta Coliseum.
- Latest