^

PSN Showbiz

Bunso ni Ruffa komportable sa showbiz

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Bibang-biba si Venice, ang bunsong anak ni Ruffa Gutierrez na isinama nito sa presscon ng Working Girls 2010.

Halatang-halata sa mga kilos ni Venice na type nito na maging artista at sure ako na susundan niya ang yapak ng kanyang mother dear. After all, galing siya sa isang showbiz clan.

Komportableng-komportable ang bagets sa paligid ng mga reporters. Talagang sinasabi niya na siya ang mas maganda kesa sa kanyang kapatid na si Lorin. Naloka ako nang sabihin ko kay Venice na haharbatan ko siya ng datung. May-I-ask ang bagets kung ano raw ang mangyayari kapag hindi niya ako binigyan ng pera. Ang smart niya ha?

* * *

Hindi kasama si Lorin sa presscon ng Working Girls 2010 dahil may pasok pa siya sa school kaya nalamangan siya ng kanyang bunsong kapatid.

Co-stars ni Ruffa sa bagong pelikula sina Cris­tine Reyes, Jennylyn Mercado, Eula Valdez, Eugene Domingo, Bianca King, at Iza Calzado na na-miss ko dahil hindi na kami mas­yadong nagkikita mula nang matapos ang Starstruck V.

Si Joey Reyes ang direktor at scriptwriter ng Working Girls 2010. Narinig ko ang mga comments ni Joey tungkol kay Kris Aquino. Totoo ang tsismis, hindi type ni Joey ang mga kadramahan ni Kris!

* * *

Tinamad na akong lumabas kahapon ng bahay dahil sa sobrang init. Hindi na ako nakapunta sa Thanksgiving Mass ng Gutierrez family dahil dinis­mis ng Department of Justice ang demanda ni Lorayne Pardo laban kay Richard Gutierrez.

Idinaos ang misa sa Imperial Palace Hotel. Hindi lamang ang pagkaka-dismiss ng kaso ni Richard ang ipinagpapasalamat ng mga Gutierrez.

Nagpapasalamat din sila dahil ibinigay ng korte kay Ruffa ang custody ng kanyang dalawang anak, naayos ang problema sa pagitan ng mga Gutierrez at ng PEP at siyempre, ang flourishing career ng mga alaga ni Bisaya.

* * *

Hindi ko rin napuntahan noong Huwebes ng gabi ang fundraiser dinner para kay Atty. Adel Tamano sa Manila Polo Club.

Sosyal ang dinner dahil P10,000 per plate ang binayaran ng mga supporters ni Papa Adel na dating legal counsel ni Dr. Victoria Belo.

Dalawang table ang ipina-reserba ni Mama Vicki na hindi nakarating pero nagpaimbita ng showbiz press para mainterbyu ang kanyang abogado na kumakandidatong senador.

Si Ogie Alcasid ang nag-perform sa dinner para kay Papa Adel. Nag-enjoy ang mga tao sa mga kanta at pagpapatawa ni Ogie na maraming kandidato ang sinusuportahan.

Bukod kay Papa Adel, sinusuportahan ni Ogie ang candidacy ni Arnell Ignacio na tumatakbong konsehal ng Quezon City District 1.

* * *

Happy birthday kay Mrs. Marilyn M. Fanio ng Calao West Santiago City. Ngayon ang birthday ni Mrs. Fanio at galing ang pagbati mula sa kanyang anak na si Generick Aguinaldo ng Dubai, UAE. Avid reader si Generick ng PSN.

ADEL TAMANO

ARNELL IGNACIO

BIANCA KING

CALAO WEST SANTIAGO CITY

KAY

PAPA ADEL

WORKING GIRLS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with