^

PSN Showbiz

Kaso nina Richard at Aljur ibinasura ng DOJ

-

MANILA, Philippines - Dinismiss ng Department of Justice ang kasong reckless imprudence resulting to homicide laban sa aktor na si Richard Gutierrez.

Naunang nagharap ng naturang reklamo ang isang Lorayne Pardo, ang biyuda ng isang dating personal assistant ni Richard na si Nomar Pardo na namatay sa isang car accident noong Mayo 22, 2009.

Nilagdaan ng dating kalihim ng DOJ na si Agnes Devanadera ang limang pahinang resolusyon na nagpapawalang-sala sa aktor.

Nasawi si Pardo nang sumalpok ang kotseng minamaneho rin ni Richard sa Cavite noong naka­raang taon. Nasugatan din sa aksidente ang aktor.

Kasabay nito, ibinasura rin ng DOJ ang kasong act of lasciviousness na isinampa ng isang nagnga­ngalang Michelle Saludo laban kay Aljur Abrenica.

Sinabi ng DOJ na walang basehan ang reklamo laban kay Aljur ng isang menor-de-edad na nakasama umano ng aktor sa Puerto Galera.

Iginiit ng kampo ni Aljur na hindi magagawa ng aktor ang ibinibintang ng akusado.

AGNES DEVANADERA

ALJUR

ALJUR ABRENICA

CAVITE

DEPARTMENT OF JUSTICE

LORAYNE PARDO

MICHELLE SALUDO

NOMAR PARDO

PUERTO GALERA

RICHARD GUTIERREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with