^

PSN Showbiz

ABS-CBN sisimulan na ang summer

-

MANILA, Philippines - Salubungin na ang summer kasama ang mahigit 150 Kapamilya stars sa paglulunsad ng ABS-CBN ng kanilang pinakaabangang summer station ID (SID) na pinamagatang Summer ang Simula  ngayong Linggo (Mar 21) sa ASAP XV.

Ang naturang SID, ayon kay ABS-CBN Creative Communications Management (CCM) Head Robert Labayen, ay nakaankla sa ideya na ang summer ay ang pinakaperpektong oras para magsaya at maghanda para sa pagbabago.

“Bawat araw ng summer ay maaring araw para sa mga bagong simula. Bawat araw ay pagkakataon para maging aktibo sa pagtulong sa kalikasan, sa pagtaguyod ng kabuhayan at pagtingin sa mundong tinitirahan natin sa mas positibong paraan,” sabi ni Labayen.

Abangan ang ABS-CBN entertainment at news personalities sa kanilang paglahok sa iba’t ibang gawain sa iba’t ibang platforms tulad ng Boto Mo, I-Patrol Mo, Bayanijuan, at iba pang programa ng ABS-CBN Foundation programs na Sagip Kapamilya, Kapit Bisig sa Ilog Pasig, at E Media.

Bawat isa ay kakatawan sa isang imahe na kapag pinagsama-sama ay bubuo ng isang magandang larawan o collage na sumisimbolo sa mas mabuting mundo para sa ating mga Pilipino.

Ang awiting Summer ang Simula ay bibigyang buhay ni Pinoy Dream Academy Grand Star Dreamer Yeng Constatino at bokalistang si Kean ng Callalily.   

BAWAT

BOTO MO

CREATIVE COMMUNICATIONS MANAGEMENT

DREAM ACADEMY

E MEDIA

I-PATROL MO

ILOG PASIG

KAPIT BISIG

ROBERT LABAYEN

SAGIP KAPAMILYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with