^

PSN Showbiz

Nora Aunor binitin ang GMA7

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

“Dina-dangle” ang term na ginamit ng isang kaibigan sa ginagawang paglalako ng manager sa kanyang talent. Patapos na siguro ang kontrata ng talent sa network kung saan ito may mga show, kaya sinisimulan na siyang ilako sa ibang networks.

Sa two networks inilalapit ng manager ang kanyang talent at siguro kung sino ang mas mataas ang offer na TF, doon niya papipirmahin ang talent. Naalala naming minsang nagpahayag ang mga bossing ng isa sa dalawang network na ‘di na nila tatanggapin ang talent dahil galing na ito sa kanila, pero lumipat sa kabila. Kainin kaya ng mga bossing ng network ang kanilang salita at muling tanggapin ang talent na palipat-lipat ng network?

As for the other network na kinakausap ng manager, pinag-iisipan pa kung tatanggapin ang talent kahit mataas ang asking TF ng manager nito. In fairness, makakatulong ang talent sa mga show na binubuo ng network, lalo na ang musical-variety show.

* * *

Dapat pala, guest si Nora Aunor sa Claudine, ang drama anthology ni Claudine Barretto sa GMA 7 na magpa-pilot sa March 28. Ang usapan, after magpa-face lift sa Japan, dederetso sa ‘Pinas si Guy, mag-i-stay dito ng three days para sa taping ng episode.

Kaso, nagmamadali yata si Guy na makabalik sa States dahil hindi na ito sumaglit dito. Ipinasulat na ang script para sa guesting ni Guy, pero dahil hindi siya natuloy, ibang aktres na lang ang kukunin ng Channel 7 para isama kay Claudine.

Sa April pa uuwi ng bansa si Guy para sa opening sa ini-endorse niyang Shinagawa Lasik and Aesthetic Center (Philippines) na may clinic sa Mezzanine, Tower 2, The Enterprise Center, 6766 Ayala Avenue cor. Paseo de Roxas, Makati City. Puwede siguro siyang matanong kung bakit nabago ang kanyang desisyon.

* * *

Apat na Korean novelas ang ipantatapat ng TV5 sa Showtime at Wowowee ng ABS-CBN at Diz Iz It! at Eat…Bulaga ng GMA 7 at naniniwala ang network na papatok ang alternative programming na kanilang ibibigay sa TV viewers na tinawag nilang Gusto ko Noon!

Magsisimula ang Gusto ko Noon! noontime block sa March 22, sa K-novela na My Wife is a Superwoman at 11:45 a.m, susundan ng First Wives Club at 12:30pm, Smile, Honey at 1:15pm, at High Kick at 1:45pm, Monday to Friday.

AYALA AVENUE

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

DIZ IZ IT

ENTERPRISE CENTER

FIRST WIVES CLUB

HIGH KICK

MAKATI CITY

MY WIFE

TALENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with