Mga kandidatong artista naglalakihan na ang katawan
Happy anniversary sa Pilipino Star NGAYON (PSN)!
Sino ang mag-aakala na three years na pala akong columnist ng PSN?
Maraming salamat kay Papa Miguel Belmonte dahil siya ang nagbigay sa akin ng column dito sa inyong favorite tabloid.
Unforgettable ang unang taon ko sa PSN dahil nasangkot agad ito sa malaking kontrobersiya.
Thank you din kay Mama Salve Asis at sa buong staff ng PSN na palaging naghahatid sa readers ng mga first-hand at maiinit na showbiz news. Happy anniversary sa ating lahat!
* * *
Nagsisipagtabaan na ang ibang mga kandidatong artista at hindi ito nakapagtataka dahil napakarami ng mga imbitasyon sa kanila.
Nandiyan ang mga imbitasyon sa kasal, binyag, birthday, at burol. Sa rami ng mga pagkain na inihahain sa kanila, imposible na tumanggi sila. Baka magtampo pa ang mga nag-imbita at sabihin na mga suplado at suplada sila.
Dalawang buwan pa ang itatagal ng kampanya kaya mag-expect tayo na mas magsisipagtabaan pa ang mga kandidato, artista man o hindi.
* * *
Tigil Putukan ang isinusulong na project ni Arnell Ignacio sa District 1 ng Quezon City.
Walang kinalaman sa violence o giyera ang project ni Arnell dahil tungkol sa pagpaplano ng pamilya ang Tigil Putukan.
Tiniyak ni Arnell na hindi siya makakalaban ng Roman Catholic Church dahil sa kanyang project na kakaiba raw sa Reproductive Health.
* * *
Ipinag-iimbita ni Arnell ang kanyang libreng birthday concert sa Barangay Bahay Toro sa March 25.
Invited ni Arnell sa kanyang birthday show ang lahat ng mga nakatira sa District 1. Mga sikat na performer daw ang magbibigay-aliw dahil pumayag nang mag-perform sina Ogie Alcasid, Regine Velasquez, at marami pang iba.
Excited si Arnell nang sabihin nito na nag-promise si Lucy Torres na tutulong ito sa kanyang house-to-house campaign. Busy si Lucy sa pangangampanya sa candidacy ni Richard Gomez sa Ormoc kaya touched si Arnell sa pangako ni Mrs. Gomez.
* * *
Itinatanong ni Menchie Francisco ang exact location ng Makati store na bumibili at nagbebenta ng mga second-hand designer bags tulad ng Chanel, Hermes, Louis Vuitton, at Prada.
Bagaholic ang pangalan ng shop na pag-aari ni Gigi Asok at madali itong makita dahil nasa arcade ito ng New World Renaissance Hotel sa kanto ng Pasay Road at Makati Avenue, Makati City. Call n’yo si Gigi sa 0917-8141967 para sa ibang mga detalye.
- Latest