Jewel inisnab ang Survivor ni Richard
Interesting ang nabasa namin sa blog ni Jewel Mische na ang link ay ibinigay ng isang bagong kakilala.
Ayon sa aktres: “I can’t believe I was asked if I want to join Survivor Celebrity Edition. It made me laugh hard! I would consider… But no, I think I’ll stick with aircrafts where my adrenalin really gets flowing.”
Of course, alam nating ang host ng Survivor Philippines Celebrity Edition ay si Richard Gutierrez at ’di na kami magko-comment. Hahaha!
Ibinalita rin ni Jewel sa kanyang blog na panay ang pagwu-workshop niya. Dagdag niya, “Doing a lot of acting workshop lately with Direk Laurice Guillen, Tita Vangie Labalan for voice, and acting with direk Gina Alajar.”
Pagpapatuloy pa ni Jewel: “Tita Annabelle (Rama) is responsible for all of these workshops…haha, she is a great pusher. Long overdue na ang mga workshop na ’yun, but she’s making it all happen now. She is really my number one encourager right now. And a dance session daw with the G Force anytime soon!”
Ayaw na rin naming mag-comment!
* * *
Sabay naming na-interview sina Steven Silva na Ultimate Male Survivor ng StarStruck V at si Diva Montelaba na First Princess. Kainitian ng contest, nabanggit ni Steven na liligawan niya si Diva after the finals, pero nagbago ang priority ng binata.
Mahal pa rin ni Steven si Diva, pero mas priority nito ngayon ang career na dapat lang naman dahil magsisimula pa lang ang career niya. Teary-eyed si Diva habang kausap namin at kinumpirma ang sinabi ni Steven na nag-usap sila na mag-focus sa kanilang career.
Sabi ni Diva, mutual decision na unahin nila ang career dahil mahirap sa kanila na pagsabayin ang love at trabaho, pero mahirap sa kanila ang kanilang desisyon lalo’t sabi ni Diva, si Steven ang pinakaimportanteng guy sa kanya at mas importante pa ito sa tatay niya.
Magkasama sa GMA Artist Center sina Steven at Diva at sabay pumirma ng five-year contract at naniniwala kaming magkakasama rin sila sa mga projects ng GMA 7.
- Latest